7-DAY SHUTDOWN SA MRT

MRT-8

UPANG hindi maging dagdag-pasanin sa libo-libong commuters ang napipintong tigil-biyahe ng MRT ay itinaon ng pamunuan nito ang kanilang annual maintenance sa panahon ng paggunita sa Semana Santa.

Ang MRT maintenance shutdown ay magsisimula sa Lunes Santo, Abril 15 hanggang Easter Sunday o Pasko ng Pagkabuhay sa Abril  21.

“Maintenance works that will be done during the one week suspension of revenue operations include rail grinding, rail cascading, replacement of turnouts, structural testing, and other general maintenance activities on our trains, electrical systems, and other MRT-3 subsystems,” ayon sa  MRT.

Sa anunsiyo naman na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), isasagawa ang maintenance shut-down sa Holy Week para hindi gaanong maramdaman ng mga mananakay ang epekto nito.

Sinabi ng DOTr na kabilang sa isasagawang maintenance ang pag-aayos sa electrical systems at iba pang sub-systems.

Dahil dito, humiling ng pang-unawa sa mga commuter ang pamunuan ng MRT-3.

Anila, gagawin ang maintenance works para sa mas maaasahan at episyenteng operasyon ng kanilang mga tren.

Babalik ang operasyon ng MRT-3 sa Abril 22, araw ng Lunes.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.