7 DRUG COURIERS KALABOSO SA P2.3-M SHABU

drug pusher

CAVITE – NAG-UNDAS sa kulungan ang pitong drug couriers makaraang makumpiskahan ng P2.3 milyong halaga na shabu sa ikinasang anti-drug operation ng Drug Enforcement Unit ng Imus PNP at Cavite PDEA-A4 sa magkahiwalay na lugar sa Barangay Malagasang sa Imus City, kamakalawa ng umaga.

Unang isinagawa ang anti-drug operation sa Barangay Malagasang 2-C kung saan nasakote ang mga suspek na sina Victoriano Sico y Ting, 45, mechanic, ng Brgy. Pascam, General Trias City; Angelo “Gelo” Cadano y Tombocon, 28, ng Brgy. Malagasang; Jonalyn Cacatian y Ignacio, 33, Brgy. Pascam 2, General Trias City;Sonny Boy Parohinog y Barzaga, 37, ng Brgy. Navarro, General Trias City; Joseph Calnan y Betong, 37, ng Brgy.Pascam 2, General Trias City.

Nasamsam sa mga suspek ang 48.20 gramo na shabu na may street value na P326, 400.00 kung saan narekober din ang buy bust money.

Samantala, makalipas ang isang oras ay isinagawa naman ang buy bust operation sa bahagi ng Greengate Homes Subd. sa Brgy. Malagasang 2-A kung saan nasakote naman ang mga suspek na sina Kevin Ramirez y Javier, 26, call center agent; at  Krisha Mendoza y Saquiton, 24, casino dealer, kapwa nakatira sa Brgy. Malagasang 2-A, Imus City.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 291.18 gramo na shabu na may street value of P1, 980, 024.00 at ang buy-bust money.

Isinumite ni Cavite Police Provincial Director Colonel William Segun kay Calabarzon Regional Director P/Brigadier General Vicente Danao Jr. ang resulta ng anti-drug operation laban sa mga suspek  kung saan may kabuuang 339. 38 gramo na shabu at may street value na P2, 306, 454. 00 ang nasamsam.

Nasa Police Custodial Center ang mga suspek na nakatakdang sampahang kasong paglabag sa  RA 9165 na kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002. MHAR BASCO

Comments are closed.