7 KATAO ARESTADO SA 10 PAKETE NG SHABU

ARRESTED

CAVITE – PITO katao na sinasabing nasa drug watchlist ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang anti-drug operation sa bahagi ng Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, General Trias City, kahapon ng madaling araw.

Isinailalim sa physial examination at drug test ang mga suspek na sina Razel Sango y Rowales, Darwin Jeyo y Hinohales, Ernesto Gayol y Ausente, Jayson Bausin y Nunes, Alberto Gulfo y Roldan, Fernando Garcia III y Ret at si Rolly Navaja y Unilahod, pawang nakatira  sa nabanggit na barangay.

Lumitaw sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, bandang alas-12:40 ng madaling araw kahapon nang ikasa ang anti-drug operation laban sa mga suspek na magkakasabwat at patuloy sa bentahan ng droga.

Nabatid na naging talipapa ng shabu at iba pang droga ang nasabing lugar na tinaguriang “Mexican Cartel” dahil sa drug trade ng mga suspek.

Dahil sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad mula sa ilang opisyal ng barangay kaugnay sa drug trade ay ikinasa ang anti-drug operation laban sa mga suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 pakete ng shabu, mga drug paraphernalia, at P450 drug money.

Isinailalim sa chemical analysis ang mga nasamsam na droga kung saan inihahanda na ang ilang ebidensya sa pagsasama ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek. MHAR BASCO

Comments are closed.