7 PINOY NA PROBLEMADO TINULUNGAN NG IRAQ GOV’T

IRAQ

PASAY CITY – PINASALAMATAN ng ­Philippine Embassy ang mga opisyal ng Iraq sa pagtulong na makauwi ang pitong overseas Filipino worker (OFW) na bigtime ng illegal recruiter/trafficking.

Nagpasaklolo sa tanggapan ng embahda ang naturang mga biktima noong Pebrero matapos mabatid na ilegal ang kanilang employment sa naturang bansa.

Agad naman daw nagpaabot ng tulong gaya ng damit, sapatos at ilang gamit ang Iraqi officials habang pino-proseso ang mga papeles at kaso ng mga biktima.

Nagpasalamat din ang Embahada sa ilang Pinoy na bumisita at nagpaabot ng tulong sa kanilang mga kapwa overseas Filipino worker. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.