80% VOTER TURNOUT INAASAHAN SA HALALAN

James Jimenez

MAAARING umabot sa 80 porsiyento ang voter turnout sa eleksiyon sa Mayo  2022. Ito ang pahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes sa  kabila ng hamon ng COVID-19.

Ayon kay  Comelec spokesman James Jimenez, sa kasaysayan ay mataas ang voter turnout sa presidential elections na nasa 80 porsiyento.

“Let’s see how pandemic will assess it… ‘Wag masyadong maging optimistic sa turnout but again ang estimate natin is roughly 80%,” pahayag pa nito sa isang panayam.

Hanggang nitong  Setyembre 30, sinabi ni  Jimenez na ang voter registrants ay mahigit nang   62 million at inaasahan na madadagdagan pa ngayong pinalawig ang  registration deadline hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Patuloy na kinokolek­ta ng Comelec ang mga COC mula sa mga pro­binsiya.

Nagtapos ang filing ng certificates of candidacy nitong Oktubre 8.

4 thoughts on “80% VOTER TURNOUT INAASAHAN SA HALALAN”

Comments are closed.