MAYROONG 88 bagong nakarekober mula sa COVID-19 ang naitala ng Deparrtment of Health (DOH).
Dahil dito, aabot na ngayon sa 20,459 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa sakit.
Umakyat naman sa 57,545 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa datos ng DOH hanggang 4PM ng Hulyo 14, nakapagtala pa ng 634 na bagong virus infection kabilang ang 302 fresh cases at 332 late cases.
May anim naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, lahat ng anim na nasawi ay nasa edad 60 pataas kaya’t umaapela ang ahensiya sa mga elderly population na magdoble-ingat.
Sa kasalukuyan, umakyat na sa 1,603 ang COVID-19 death toll sa Filipinas. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.