ITALY – LABIS na kasiyahan ang naramdaman ng halos 8,000 Filipino na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) nang marinig ang homely sa misa ng Simbang Gabi na pinangunahan ni Pope Francis sa St. Peter’s Basilica sa Vatican City.
Sa ulat ay isa sa mga mapalad na nakadalo sa nasabing misa na ramdam umano nila ang mensahe ng pasasalamat ng Santo Papa sa lahat ng mga Katoliko sa Italy na isinasabuhay pa rin ang Simbang Gabi kahit malayo sila sa kanilang sariling bansa.
Bukod sa misa, mayroon pang mga singer mula sa iba’t ibang Filipino community sa Italy na nagtanghal para sa mga dumalo sa nasabing espesyal na misa. Dahil umano rito, hindi umano naramdaman ng mga Pinoy sa Italy na malayo sila sa kani-kanilang pamilya. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.