VALENZUELA CITY – SIYAM na hinihinalang drug personalities ang naaresto sa buy bust operation ng mga pulis sa lungsod na ito noong Sabado ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga naarestong suspek na sina Federico Catabagan Jr., 51, ng Telecom Compound, Karuhatan; San Mig Cabranes, 29, ng 37 Tamarraw Hills, Marulas; Fernando Igmat, Jr., 38, ng San Miguel Reyes Compound, Road 5, Marulas; James Co, 42, 100 Daez St, Karuhatan; Ronilo Tejoso, 50, ng 5242 Demetillo St., Gen. T. De Leon; Averry Molita, 39, ng 5223 Demetillo Street, Gen. T. De Leon; Joey Padrinao, 39, 4288 L. Bernardino St, Gen. T. De Leon; Gerald Belches, 25, Sitio Ruhat Tres, Mambugan, Antipolo City; at Laurence Tordesilla, 52, No. 2 Saline St, Marulas.
Sa imbestigasyon ni PO3 Carlito Nerit Jr., alas-4:40 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU District 2 Team sa pangunguna ni PSI Segundino Bulan Jr. ng buy bust operation kontra sa mga suspek sa Independence Street, Gen, T. De Leon.
Isa sa mga operatiba ang nagpanggap na buyer na nagawang makabili ng isang plastic sachet ng shabu kapalit ng P200 marked money sa isa sa mga suspek at pagkatapos ng transaksiyon agad lumusob ang nakaantabay na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang 10 plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, buy bust money at cash na aabot sa P1,300. VICK TANES
Comments are closed.