PHNOM PENH – Siyam na Pinoy boxers ang naghahanda para sa matinding bakbakan sa kanilang pagtatangka sa gold medals laban sa mabibigat na katunggali ngayong Sabado at sa Linggo sa 32nd South- east Asian Games dito.
Apat sa kanila, sa pangunguna nina twotime SEA Games champion Rogen Ladon at Tokyo Olympian Irish Magno, ang aakyat sa ring sa Sabado sa Chroy Changvar Center Hall G, sa pagasang maka-sweep bago sumalang ang limang iba pa nilang kababayan sa Linggo.
Sisimulan ni Ladon, nagwagi ng gold medals sa 2019 Philippine at 2022 Vietnam Games, ang kampanya ng bansa para sa golden rush sa alas4 ng hapon sa kanyang pagsagupa kay Tharanat Saengphet ng Thailand sa men’s flyweight championship.
Mapapalaban si Magno sa isang familiar foe – Jutamas Jitpong ng Thailand – sa women’s lightweight finals, kung saan namayani siya sa kanilang paghaharap para sa gold sa 2019 games sa Manila. Subalit tinalo siya ng Thai sa round-of-16 sa 2021 TokyoOlympics.
Sasalang din sa Sabado sina Ian Clark Bautista, na umaasang maging three-time SEA Games medalist, at Riza Pasuit, na makakaharap si Vietnamese Thi Linh Ha sa women’s lightweight finals.
“I really have to give my all tomorrow (Sat- urday) to bring home the gold,” sabi ni Bautista, 28, ng Binalbagan, Negros Occidental, na makakasagupa si Indonesian Asri Udin sa men’s featherweight gold medal round.
May siyam na finalists, ang boxing team ay may kakayahang mahigitan ang three-gold, onesilver at five-bronze medal finish noong nakaraang taon sa Vietnam.
Malaki ang kumpi- yansa ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Marcus Jarwin Manalo na magig- ing maganda ang performance ng siyam ngunit sinabing mahirap ang maka-sweep.
“Obviously, it will be a tougher competition in the finals. We just hope we can execute the fight plan and finish strong,” sabi ni Manalo. “We can hope, but sweeping the final matches is not realistic, considering the level of competition.”
Lalaban naman sa Linggo sina Tokyo Olym- pics silver medalist Carlo Paalam, fellow Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio, Paul Ju- lyfer Bascon, Fil-British John Marvin, at ang nakababatang kapatid ni Petecio na si Norlan.
Target ni Paalam ang gold sa bantamweight class kontra Aldoms Sig- uru ng Indonesia, kung saan asam ng Pinoy pug na maging two-division gold medalist sa SEA Games, matapos na manalo ng fly- weight gold noong 2019.
Sisikapin naman ni Nesthy, 31, na makabawi matapos ang frustrating bronze finish sa Hanoi games nang makasagupa niya si Indonesian Ratna Sari Devi sa women’s featherweight finale.