9% PRICE HIKE SA NOCHE BUENA ITEMS

Secretary Ramon Lopez-6

POSIBLENG tumaas ng dala­ wa hanggang siyam na porsiyento ang presyo ng ilang mga produkto na karaniwang iniha­ hain sa Noche Buena.

Ito ay ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), kasunod ng pagtaas ng 30 hanggang 60% sa manufacturing costs ng mga kompanya bunsod na rin ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa.

Pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez, i­lang mga traders din ang nag-aangkat pa ng mga kinakailangang karneng baboy para sa hamon de bola.

Samantala, mananatili naman ang presyo ng mga murang produkto dahil natatakot din aniya ang mga manufacturer na ipasa ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials sa kanilang mga customer.

Comments are closed.