BANGON, ROAD WARRIORS!

Standings:

W        L

TNT                                       3          0

Meralco                                3          1

Rain or Shine                      3          1

Alaska                                   2          1

Phoenix                                2          1

GlobalPort                           2          1

Columbian                          3          2

Magnolia                             0          1

San Miguel                          0          1

Barangay Ginebra             0          2

NLEX                                   0          3

Blackwater                          0          4

 

Mga laro bukas:

(Alonte Sports Arena)

4:30 p.m. – Phoenix vs NLEX

7 p.m. – Ginebra vs Blackwater

SISIKAPIN ng NLEX na makabangon mula sa tatlong sunod na pagkatalo sa pakikipagtipan sa Phoenix sa pagdayo ng PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Alonte Sports Complex sa Biñan, Laguna.

Nakatakda ang bakbakan ng Phoenix at  Road Warriors sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon, na susundan ng duelo ng Barangay Ginebra at Blackwater sa alas-7 ng gabi.

Haharapin ng Phoenix ang NLEX na mataas ang morale matapos talunin ang Philippine Cup runner-up Magnolia noong Linggo sa Mall of Asia Arena at umaasa si coach Louie Alas na mangingibabaw ang kanyang tropa sa mga bataan ni coach Yeng Guiao na wala pang panalo sa torneo.

Inamin ni Alas na mahirap talunin ang NLEX at para manalo ay kailangan nilang kumayod nang husto upang makakalas sa ‘three-way tie’ sa Alaska at Meralco na may 2-1 kartada.

“We have to double our efforts and play superior game because NLEX is tough and known for their never-say-die playing style,” sabi ni Alas.

Makakaharap ni coach Alas ang kanyang anak na si Kevin Alas, na kasama si Kiefer Ravena ay alas ni coach Guiao.

Muling sasandal si coach Alas sa kanyang American import na si James White, katuwang ang mga local na sina Matthew Wright, RJ Jazul, Michael Miranda, Cyrus Baguio, Douglas Kramer at Mark Borboran.

Inaasahan namang pamumunuan nina Alas at Ravena ang opensa ng NLEX upang makapasok na ang koponan sa win column.

Pinapaboran naman ang Barangay Ginebra kontra Blackwater upang makopo ang unang panalo sa torneo matapos malasap ang ikalawang sunod na kabiguan sa kamay ng Talk N’ Text. CLYDE MARIANO

 

Comments are closed.