NAIKABIT na ang karagdagang 28 brand new air-conditioning units (ACUs) sa mga bagon ng MRT-3.
Dahil dito 94 ACUs na ang nalagay sa mga tren na bahagi ng 120 brand new ACUs na nagkakahalaga ng halos P167 milyon na binili ng Sumito-mo-MHI-TESP sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon ng rail line.
Matatandaan na noong 2018 ay naikabit ang 60 units sa ilalim naman ng naunang Maintenance Transition Team (MTT).
Kasalukuyang nararanasan ang malamig at kombinyenteng pagbiyahe sa mga MRT coach dahil dito.
Comments are closed.