99 IMMIGRATION OFFICERS ITINALAGA SA NAIA

NAGTALAGA ang Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at 2 ng 99 immigration officers na uupo sa mga bakanteng immi-gration counters sa naturang paliparan.

Ayon  kay  Immigration Commissioner Jaime Morente, 70 immigration officers ang ilalagay sa terminal 2 at 29 immigration officers ang idi-dispatch sa terminal 1 upang maiwasan ang mahabang pila sa mga papaalis at paparating na mga pasahero.

Sinabi pa ni Morente na ang immigration officers ay humahawak ng isang sensitive na posis­yon na maaaring mailagay ang bansa sa balag na alanganin kapag naka-pagdesisyon ang mga ito na payagang makalusot o makapasok sa Pilipinas ang mga terrorista.

“Hindi basta tapos ka lang sa college, dadaan pa ito ng masusing training upang maging bihasa sa mga galaw ng mga terrorista at iba pang mga masasamang loob na nais pumasok sa bansa,”  pahayag ni Morente.

Napag-alaman na ta­liwas ang sinabi ng isang BI supervisor na nahirapan silang makakuha ng mga bagong aplikante ng immigration officers dahil mababa umano ang sahod ng mga ito, bagkus maraming aplikante ngunit ipinadadaan sa palakasan at backer.

Ang nangyayari sa ahensiyang ito kaya kinukulang ng mga IO dahil hindi ka maka-Papasok dito kapag wala kang kakilala na congressman o senador  na mage-endorso sa ‘yo na siyang naging kagawian ng mga nammuno sa ahensiyang ito.

Nadiskubre na ang ilang mga posisyon sa BI ay nakareserba sa mga anak at kamag-anak ng mga opisyal ng BI kaya itinatago ang bakanteng plantilla upang walang makapasok na taga- labas.             FROILAN M

Comments are closed.