A1E TECH PARTNERS NAGSANIB PUWERSA VS COVID-19

antimonan one energy

QUEZON-PINANGUNAHAN ng Atimonan One Energy Inc. (A1E), na subsidiya ng Meralco PowerGen, ang Bayanihansa Atimonan, sa pamamagitan ng pagsasanib pwersa sa mga kasama nito sa negosyo para mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit na coronavirus o Covid-19 sa mga barangay sa nasabing munisipalidad.

Sa kasalukuyan, mapalad ang Atimonan dahil wala pang kaso ng Covid-19 sa bayan nito pero hindi ito dahilan para magsawalang bahala ang lokal na pamahalaan sa pamununo ni Mayor Rustico Joven Mendoza at pina-igting pa ang pagbabantay para hindi makapasok ang virus sa 42 barangay ng munisipalidad.

Hinggil sa adhikain ng A1E na patuloy na suportahan ang pamahalaan laban sa epidemya, nakipatulungan ito sa mga kasama sa negosyo katulad ng Delta Earthmoving, Inc., Dinamico Construction, Beton Bau Construction, Inc. at Rexsun Development and Consulting Corporation para magbigay ng ayudang pinansiyal at mamahagi ng mga pagkain sa mga residente ng barangay Caridad Ilaya and Caridad Ibaba, pati na sa mga volunteer na nagmamando sa mga  checkpoint sa  Atimonan.

Namahagi din ang A1E ng mga personal protective equipment (PPE) kasama na ang anim na kahon ng N95 face mask, 450 piraso ng face mask na pwedeng labhan, 100 gallon ng alcohol at 10 kahon ng surgical gloves para sa mga frontliners ng munisipyo ng Atimonan.

Gayundin, para makapunta ang mga residente ng Barangay Villa Ibaba sa bayan para bumili ng mga pang-araw-araw na pangangailangan, nakipag-koordinasyon ang A1E sa Philippine Coast Guard para mag-schedule ng mga special na bangka na maghahatid sa kanila.

Para maprotektahan ang mga empleyado ng A1E at mga kontraktor nito, sinuspinde muna ng kumpanya ang lahat nag aktibidad sa kanila pasilidad sa Quezon at hinayaan silang magtrabaho sa kanilang mga bahay.

Comments are closed.