‘ACCEPTABLE’ WAGE HIKE

SALARY INCREASE

UMAASA ang Malacañang na aaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang umento sa sahod na katanggap-tanggap kapwa sa mga manggagawa at employer.

Iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines ang P334 minimum wage hike sa Metro Manila upang matulungan ang mga manggagawa na maka­yanan ang bumibilis na inflation, habang ipinanukala naman ng mga employer ang P20 dagdag-sahod.

“The National Wages and Productivity Commission is now conducting public hearings between employer groups and workers and we hope a decision, which is acceptable to both parties, would be made soon,” pahayag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“The government is doing its best to tame inflation, adding the price of rice has started to go down,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ni Panelo na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapahupa ang inflation, at idinagdag na nagsisimula nang bumaba ang presyo ng bigas.

Kabilang sa mga hakbang na ito ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) sa iba’t ibang variety ng bigas ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Inaasahan aniyang bababa pa ang presyo ng bigas dahil sa rice tarrification bill.

Comments are closed.