Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
4 p.m. – Australia vs. Indonesia
7 p.m. – Malaysia vs. Philippines
(Binan Stadium)
7 p.m. – Thailand vs. Singapore
SISIKAPIN ng Pilipinas na makalapit sa semifinals sa pagtatangka sa kanilang ikatlong sunod na panalo kontra Malaysia sa Group A ng 12th Asean Football Federation Women’s Championship ngayon sa Rizal Memorial Stadium.
Kasunod ng 7-0 panalo laban sa Singapore noong Miyerkoles, haharapin ng mga Pinay sa alas-7 ng gabi ang Malaysians, na nagkasya sa 1-1 draw sa Indonesians sa isa pang group match sa Binan Stadium sa Laguna.
Target din ng second running Thailand, na tumabla sa Australia, 2-2, na palakasin ang kanilang kampanya sa pagkopo ng isa sa dalawang semifinal spots sa grupo sa pagsagupa sa Singapore sa alas-7 ng gabi sa Binan Stadium sa Laguna.
Sa iba pang laro sa Rizal Memorial Stadium ay magsasalpukan ang Matildas, na nasa fourth place na may one point kasunod ng draw sa Thais, at ang Indonesians sa alas-4 ng hapon.
Ikinatuwa ni Australian coach Alen Stajcic ang lopsided win ng World Cup-bound Filipinas, na ipinamalas ang lalim ng kanilang bench sa bawat posisyon, na nagbigay sa ilang players ng pagkakataong kuminang sa harap ng ecstatic hometown crowd.
“Maximizing the bench shows the discipline within the team, shows the unity, shows the alignment we have in the group. Regardless of who comes on, we will maximize them well. It is important that everyone contributes. We have a big squad,” sabi ng coach sa post-match conference.
“Obviously it is important to be at the top of the table and that’s where everyone one to be. We are pleased to be here right now, but there is still a lot of work to be done,” dagdag ni Stajcic.