AFP, USINDOPACOM NAGSAGAWA NG BILATERAL ENGAGEMENT

BAGUIO CITY – PINANGUNAHAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at  United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) ang pagpapasimula ng Mutual Defense Board and Security Engagement Board (MDB-SEB) Meeting sa Philippine Military Academy (PMA) sa lalawigang ito.

Ang pagpupulong ang pinamunuan nina AFP chief of Staff  General Romeo Brawner Jr., at  Admiral Samuel John Paparo Jr., Commander ng USINDOPACOM.

Ang  MDB-SEB meeting ay taunang bilateral engagement sa pagitan ng AFP at USINDOPACOM na layuning talakayin at pag-aralan ang mga may kaugnayan sa mutual defense concerns, enhancing military cooperation, at pagpapalakas ng security partnership sa pagitan ng Pilipinas at United States.

Nakatutok ang dalawang bansa ngayong taon sa pagpapalakas ng kanilang joint training exer­cises, defense capability building, maritime security cooperation, at  iba pang shared interest.

Tampok sa mensahe ni Brawner ang kahalagahan ng MDB-SEB.

“Today’s meeting is one of the major activities which the Philippines and the U.S. conduct bilateral­ly. Throughout the years we progress a lot, and I can say that the future between the Philippines-U.S. alliance through the USINDOPACOM is very bright,” ani Brawner.

Nagtapos ang pagpupulong sa paninindigan ng dalawang bansa ng kanilang shared commitment hinggil sa pagpapairal ng rules-based international order, maintaining freedom of navigation, at promoting regional security and stability..

Ang MDB-SEB ay patuloy na nagsisilbi bilang mahalagang meka­nismo sa pagsusulong sa mutual defense and security interests ng Pilipinas at United States.

VERLIN RUIZ