BINIGYANG-DIIN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pangangailangang agad na maipatupad ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil ito, aniya, ang magiging solusyon sa maraming problema ng bansa gaya ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at bayarin sa koryente.
“Filipinos cannot wait. We have to bring down the cost of electricity, the cost of power, the cost of oil,” sabi ng lider ng Kamara sa panayam sa huling bahagi ng pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 World Economic Forum (WEF).
“We have to bring in developmental projects, not just infrastructure. We have to bring agricultural projects in, we have to make sure there’s food security. We cannot wait,” dagdag pa niya.
Ginawa ng Leyte 1st District lawmaker ang pahayag kasunod ng ginawang ‘soft launch’ o pagpapakilala ni Presidente Marcos sa isinusulong ng administrasyon nito na MIF sa harap ng mga nagsipagdalo sa WEF sa Davos, Switzerland.
“We passed it in the House. With all due respect it’s been already filed in the Senate. For all those senators who may have their contrary thoughts, just read the bill and deliberate it in the Senate and let’s take it from there,” ayon pa kay Romualdez.
Giit ng House Speaker, sa kabila nito, hindi mag-aaksaya ng panahon ang Punong Ehekutibo at desiidido itong mailarga na ang MIF bilang bahagi ng kanyang layunin at responsibilidad sa sambayanang Pilipino na higit pang palaguin at patatagin ang ekonomiya ng bansa.
“President Marcos will not sit on his hands. He has no time to just waste time. I mean, he needs to lead the country and that’s why he was voted for by over 31 million people and now he leads over a hundred. So we all have to work double time. It’s not too late. In fact, huli na nga tayo,” dagdag pa ni Romualdez.
ROMER R. BUTUYAN