MAGKAKAROON ng bagong livelihood opportunities ang repatriated overseas Filipino workers (OFWs) makaraang magkaisa ang limang ahensiya ng pamahalaan para sa virtual signing ng Joint Memorandum Circular (JMC) upang magpatupad ng mga programa at serbisyo sa agribusiness.
Saklaw ng JMC ang mga programa, proyekto, at inisyatibo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at National Economic Development Authority (NEDA).
“It is such a testament to the strong resolve of the Duterte administration to helping our repatriated OFWs and their families begin to make a brand new start by putting together responsive and sustainable social protection packages for them,” wika ni Agriculture Secretary William Dar kasabay ng pagbibigay-diin na ang food at agribusiness ang magandang investment.
Sa pamamagitan ng JMC, ang Agri-Negosyo (ANYO) Para sa OFWs Program ay mag-aalok ng pinalakas at mas episyenteng paghahatid ng agribusiness-related programs at services mula sa mga kinauukulang ahensiya upang tugunan ang kagyat na pangangailangan na pagkalooban ng kabuhayan ang mga repatriated OFW.
“This whole of government approach will be key to helping them succeed at the end of the day and there is much opportunity for us to challenge ourselves and encourage the OFWs to get engaged in micro, small, and medium enterprises with our nurturing and support,” sabi pa ni Dar.
Si Dar ang pinuno ng IATF Task Group on Food Security, na nilikha bilang bahagi ng government strategy para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa gitna ng pandemya.
Binigyang-diin ni Trade Secretary Ramon Lopez, chairman ng IATF Food Security Sub-Task Group on Agribusiness, ang kahalagahan ng complementation strategy ng pamahalaan para tugunan ang mga pangangailangan at makapagbigay ng mga karagdagang oportunidad sa mga umuuwing OFW na kinikilalang mga bayani ng bansa.
Sa naturang event ay nagpahayag din ng suporta sina NEDA Undersecretary Mercedita Sombilla na kinatawan ni Secretary Karl Kendrick Chua, DOST Assistant Secretary Teodoro Gatchalian na kumakatawan kay Secretary Fortunato de la Peña, at TESDA Director General Isidro Lapeña sa joint initiative para sa OFWs.
Makikipag-ugnayan ang Sub-Task Group on Agribusiness sa iba pang kinauukulang ahensiya tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagtukoy sa OFWs, monitoring, at implementasyon ng interventions sa ilalim ng JMC.
Comments are closed.