AI AI DELAS ALAS ‘DI SANG-AYON SA SAME-SEX MARRIAGE

Ai Ai

MARAMI-rami rin sa mga followers ni Ai Ai delas Alas ang hindi sumang-ayon sawallface opinion ng komedyana hinggil sa same-sex marriage, at karamihan ay member ng LGBT kung saan naman ay karamihan sa mga ito ay kanyang mga tagahanga. Hindi nagustuhan ng naturang komunidad ang tinuran ni Ai Ai na hindi siya pabor sa parehong kasarian na ikakasal.

Paliwanag ni AiAi, opinion niya ito at hindi naman siya ang nagdeklara ng pagbabawal ng natu­rang kasalan kundi ang Korte Suprema. Bilang isang devoted na Katoliko ay laging bukas-palad si Ai Ai sa pagbibigay ng anumang tulong sa mga kababayan natin lalo na nga’t mismong ang simbahang Katoliko ang lumapit sa kanya.

Nakabawi naman si Ai Ai sa ilang mga bashers nang maging ninang siya ng Binyagan Bayan na ginawa kamakailan lamang. To think na marami na naman reregaluhan si Ninang Ai Ai sa darating na mga Kapaskuhan, isang barangay na inaanak.

YASMIEN KURDI APEKTADO SA PAGSABOG NG BULKANG TAAL

WALA mang negosyo o kabahayan sa bayan na malapit sa nag-aalburotong Taal Volcano, ay apektado naman sobra itong si Yasmien Kurdi.

Sa kanyang social media account ay nananawagan ng panalangin si Yasmien para  sa ating mga kababayan na nasalanta ng naturang pag-aalburoto. Sobrang napamahal kasi si Yasmien sa lugar na ito particular na sa Tagaytay City na malapit sa bulkang Taal.

Sa Tagaytay kasi madalas silang mag-date ng kanyang naging mister noong magsyota pa lang sila. At mas lalo pang napalapit ang kalooban ni Yasmien sa Tagaytay nang karamihan sa mga eksena sa teleserye nila nina Bea Binene at Gabbi Garcia na “Beautiful Justice” ay sa naturang syudad kinunan.

Naiba ang kabuuan ang Tagaytay nang halos lumubog na ito sa mga abo. Mabuti na lamang at di nagpatuloy ang pagsa­bog ng bulkang Taal at ang Tagaytay ay unti-unti nang nakababawi, nakapagbukas na ang ilang establisimiyento, bagama’t nag-iingat pa rin sila sa hindi pa matantiyang paggalaw ng Bulkang Taal.

Comments are closed.