AI AI DELAS ALAS NATAUHAN; NATATAWA SA BUHAY-SHOWBIZ

ai ai

NAGING daan para sa Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas ang pagkaka-ospital niya kamakailan wallfacepara malaman niya kung sino talaga ang tunay na kaibigan niya at nagmamalasakit sa kanya.

Sa kanyang post ay pinagbasehan ni Ai Ai ang mga bulaklak na natanggap habang nagpapalakas sa ospital at sa mga kaibigan na nag-text sa kanya ng pag-aalala. Say ni Ai Ai, noong time na patok na patok siya bilang “Tanging Ina Niyo” days ay halos punong-puno raw ng bulaklak ang kanyang room nu’ng maospital siya minsan.

Pero ngayon diumano ay bilang na bilang na ang nakaaalaala sa kanya.  Hindi naman daw siya nag­rereklamo na hindi siya naalaala o napadalhan ng flowers ng kanyang ‘so many’ friends, na-realize lang daw niya ang buhay pala talaga ng showbiz ay nakakatawa.

Ani Ai Ai ang kaibigan daw pala ay parang anino, kasama sa pagsikat ng araw pero iiwan pagdating sa dilim. Say pa rin ng komed­yana, ina­angkin na niya na kumita ng husto sa takilya ang kanyang movie na ginawa at pabiro pa niyang sinabi na sigurado raw niya na darami ulit ang flowers na magpapadala sa kanya ‘pag naospital siyang muli.

Isa sa labis na na-appreciate ni Ai Ai ang pag-aalala ng kanyang tinatawag na kambal sa showbiz si Marian Rivera. Say ni Marian na pagaling ang kanyang kambal, sagot naman ni Ai Ai, ingat din daw si Marian dahilan sa nagdadalangtao ang kanyang close friend.

JUANCHO TRIVINO OUT NA SA BUHAY NI MAINE MENDOZA

juancho and maineNAGING makontrobersyal ang personal na buhay ng young actor ng Kapuso Network na si Juancho Trivino nang ma-link siya sa pangalan ni Maine Mendoza. Pinormahan diumano ni Juancho si Maine na labis na ikinairita ng AlDub Nation. Naging close kasi sa isa’t isa sina Juancho at Maine nang magsama sila sa teleseryeng “Destined to Be Yours”.

Nagkaroon pa nga ng isyu sa pagitan ni Juancho at sa kalabtim na si Alden Richards nang maakusahan na nag-dirty finger ang young actor sa larawan ni Alden na pinabulaanan naman ng young actor.

Ngayon ay muli na namang naging ‘maingay’ ang personal na buhay ni Juancho, at by this time ay nali-link naman siya sa isa pa ring daily show host, kay Joyce Ching ang co-host ni Juancho sa isang lifestyle segment ng “Unang Hirit.”

Maging ang iba pa ng regular host ng naturang pang-umagang show ay tinutukso na rin ang dalawa sa kakaibang kinikilos nila. Tila may ‘something’ na kina Juancho at Joyce. Sa katunayan pa nga ay may followers na ang kanilang loveteam at tinawag nila itong ‘Juanchoyce’. Panay rin ang post nila ng kanilang larawan sa kanya-kanyang social media account. Kitang-kita kasi ang kilig kay Joyce sa tuwinang magkasama sila ni Juancho at ang titig naman ni Juancho kay Joyce ay sobrang lagkit. Kahit pa tuksuhin ay walang pag-amin sa pagitan nina Juancho at Joyce, tila parang sinasabi na “what you see is what you get.”

Comments are closed.