AKYAT BAHAY BAGSAK SA SELDA

akyat bahay

SAN JUAN CITY – ARESTADO ng San Juan City Police ang umano’y kilabot na akyat-bahay gang member na responsable sa pagpasok at serye ng panloloob sa mayayamang residente ng North at South Greenhills sa lungsod ng San Juan.

Iniharap mismo sa media ni San Juan City Mayor Francis Zamora at City Chief of Police Colonel Jaime Santos ang suspek na kinilalang si Jomarie Aspra, 23-anyos, ng Bagong Lipunan, Quezon City.

Ayon kay Zamora, noong Disyembre ay nabiktima ni Aspra ang kapitbahay ng alkalde na nilooban at natangayan ng mahahalagang gamit.

Ito aniya ang dahilan kung bakit humingi siya ng permiso sa pamunuan ng subdibisyon na makapasok at magsagawa ng routine inspection ang mga tauhan ng San Juan City Police. ELMA MORALES

Comments are closed.