MARAMI nang hindi makapigil umiyak sa mga eksena ni Asia’s MultiMedia Star na si Alden Richards sa kanyang inspirational drama series na “The Gift.” Naaawa raw sila sa role ni Alden bilang si Sep na sa kagagawan ni Jared (Martin del Rosario) na iniutos ang panggugulo sa medical mission sa Divisoria ay nabaril sa ulo at naging dahilan para siya ay mabulag.
Aminado si Alden na isang challenge sa kanya ang role, bukod sa nabulag siya ay nagalit pa siya sa mga kaibigan niya na gustong tumulong sa kanya. But for sure, kapag nasanay na siya, ibang Sep na ang mapanonood ng televiewers gabi-gabi pagkatapos ng “Beautiful Justice.”
FINAL FOUR ENTRIES NG MMFF IAANUNSIYO NA
LAST Wednesday, sa Execom meeting ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), nagpahayag si MMFF Spokesperson Noel Ferrer ng pakiusap sa mga taong may kinalaman sa papalapit na MMFF sa December 25.
“I’d like to tell everyone that the MMFF Selection Committee will decide the final 4 official entries based on the actual merits on the films submitted, and not on the publicity being generated by media now. We don’t appreciate the mudslinging and the negative publicities being forwarded to us at this point. We shall announce the final 4 entries on October 16. So please, kalma lang… rest on the merits of the films submitted and on your goodwill for our industry.”
Tama naman, dapat hintayin na lamang mai-submit at mapagpasiyahan ang huling apat na pelikulang bubuo sa eight official entries sa MMFF 2019.
Dagdag ni Noel, sa halip na Monday, December 23, ang Parade of Stars ay gaganapin na sa Sunday, December 22, na gaganapin sa City of Taguig na siyang sponsor ng MMFF sa taong ito. Iwas nga naman ito ng traffic dahil Linggo.
SAHAYA NAPILING PROFESSIONAL FICTION NG SINEBATA FEST NG ANAK TV
CONGRATULATIONS sa katatapos lamang na epic-serye ng GMA Network, ang “Sahaya,” dahil sila ang napili ng Professional Fiction 13-17 years old category ng SineBata Festival ng Anak TV. Ang serye na tinampukan ni Bianca Umali as Sahaya, ay nagkaroon ng SineBata 2019 Awards Ceremony last October 2 sa Grand Ballroom ng Manila Prince Hotel, in Manila, sa pangunguna ni Ms. Helen Rose S. Sese, ang Senior Program Manager ng GMA Entertainment Group.
Ang “Sahaya” rin ang magiging official entry ng Pilipinas sa darating na 3rd Southeast Asia Video Festival.
SANYA LOPEZ AT BENJAMIN ALVES MAGKAROON KAYA NG HAPPY ENDING?
USAP-USAPAN ngayon kung happy ending ba ang grand finale episode ng GMA Afternoon Prime drama series na “Dahil Sa Pag-ibig?” Tampok sa serye sina Sanya Lopez, Benjamin Alves, WinWyn Marquez at Pancho Magno, sa direksyon ni actor-director Ricky Davao at
Ang hihintayin ng netizens kung sino ang bumaril kay Portia (Winwyn) at pare-parehong accused sina Mariel (Sanya), Eldon (Benjamin) at Gary (Pancho). Mahiwaga ang pagkabaril kay Portia dahil walang nakakita kung ano talaga ang nangyari. Isa nga ba sa kanila ang may kasalanan o may iba pang gumawa nito, puwede bang maakusahan din si Clara (Tetchie Agbayani) na galit na galit kay Mariel at gustong ito ang madiin sa krimen? O puwede bang mabuhay pa si Portia at siya ang magsabi nang totoo?
Gusto ng netizens sina Mariel at Gary pa rin sa huli. Mamaya na ang grand finale, pagkatapos ng “Prima Donnas.”
Comments are closed.