EXCITED na ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, kahit sa July 31 pa ang showing nationwide ng “Hello, Love, Goodbye,” ang first movie team-up nila for Star Cinema, na “gusto na naming hilahin ang July 31,” para raw mapanood na nila ang movie na almost filmed entirely sa Hong Kong, dahil tumatalakay ito sa mga millennial OFW na napilitang magtrabaho roon para sa kanilang mga pamilya dito sa Filipinas.
Marami ngang nagpasalamat na bago nagkaroon ng kaguluhan sa Hong Kong ay natapos nang mag-shooting doon sina Direk Cathy Garcia-Molina at ang cast ng movie.
Ang isa pang naka-excite sa mga fans nina Kathryn at Alden ay nang lumabas ang poster na nagsasabing showing worldwide ang movie. It seems gumawa ang mga fans ng kani-kanilang poster na tulad ng official poster na ini-release ng Star Cinema. Bawat bansa na maglalabas ng movie ay nakasulat in their national language.
Ilan sa nag-post na ng kanilang poster ang Malta, screening on August 1; Saipan, on August 2; Greece, on September 9; Middle East, on August 8 & 9; Australia, on August 8; Spain “Hola Amor Adios,” on September 1; Vietnam, soon in their cinemas; at Cambodia, on August 25.
Nag-announce na rin sina Alden at Kath last Saturday, July 6, sa show nila sa SMX Convention Center, na personal silang a-attend ng premiere night sa Middle East, sa Dubai on August 9 at sa Abu Dhabi sa August 10.
Wala pang schedule ng screening ng movie sa United States and North America.
ANDREA TORRES ‘DI PROBLEMA SA MGA MAGULANG ANG PAGPAPA-SEXY
HINDI pala problema kay sexy actress Andrea Torres ang mga daring scenes na ginagawa niya sa kanilang sexy-serye na “The Better Woman” dahil may go-signal pala sa kanya ang parents niya. Sa halip palang mailang silang panoorin ang anak nila sa ilang sexy scenes nito, proud pa sila dahil mahusay nitong nagagampanan ang challenging role na ibinigay sa kanya ng GMA Network.
Bilin din daw ng parents ni Andrea sa kanya, “always be classy, which is ganu’n naman talaga ang ibinigay sa akin ng GMA na dapat kong ipakita on screen. At alam ko inaalagaan naman nila ako sa mga eksena ko, namin ni Derek (Ramsay). Kaya po huwag ninyo akong i-miss dahil magsasama na sa isang frame ang kambal na sina Jasmine at Juliet.”
Ang “The Better Woman” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Sahaya.”
KRIS BERNAL AT RAYVER SERYE NAKAIINTRIGA
MARAMI nang naiintriga sa bagong afternoon prime suspense-thriller serye ng GMA 7 na “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.” Nasa cast sina Kris Bernal, Rayver Cruz (sa muli nilang pagtatambal after “Asawa Ko Karibal Ko”), Kim Domingo at Megan Young. Bakit ganoon daw ang title at bakit isang multo si Kris Bernal?
Napapanood na ang teaser na gumaganap na kontrabidang multo si Kris. Sa July 22 na ang airing ng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” na ipapalit sa magtatapos na ring afternoon prime drama na “Dragon Lady.”
Comments are closed.