AYAW talagang tantanan ng bashers si Pambansang Bae Alden Richards. Na-bash pa rin siya, nang i-post niya sa Instagram ang picture niya na nasa Reykjavik, Iceland, at sa likod niya ang kalangitan na sumasayaw ang Aurora Borealis o ang Northern Lights. Hindi raw si Alden iyon, sabi ng basher, hindi raw kamukha.
Pinagdudahan pa samantalang ang post ni Alden ay “Thank you for showing yourself up” #auroraborealis #iceland2019.”
Anyway, maituturing ngang si ‘Aurora Borealis’ ang Valentine date ni Alden, dahil late sila sa Filipinas sa oras, iyong 2:27am na post niya ay Valentine’s Day pa dito sa atin.
Ang Iceland ay nasa pagitan ng Russia at Finland at dinarayo talaga ng mga turista para makita ito between October to March. Tumagal ng 30 minuto ang pagsasayaw ng Northern Lights, ayon sa report ng GMA News TV kahapon ng umaga.
Masuwerte nga si Alden dahil may mga pumupunta roon na gustong makita ang Aurora Borealis na nagpapakita ng green lights sa kalangitan, pero hindi pinalad na masaksihan ang napakagandang phenomenon na ito.
Naalaala namin ang mag-asawang Raffy Tima at Mariz Umali ng GMA News & Public Affairs, na ilang araw raw silang naroon pero hindi nagpakita sa kanila, until sa huling gabi nila roon na akala nila ay bigo silang makita ito ay biglang nag-appear sa kalangitan.
Ganoon din ang nangyari kay Kris Bernal at sa boyfriend nito, ilang gabi silang naghintay pero sa last night nila roon, ay saka ito nagpakita sa kanila. May isa ngang nag-comment na five days daw siya sa Iceland, pero hindi nagpakita sa kanila ang Aurora Borealis, si Alden, first day pa lamang nakita na niya.
Kasamang pumunta ni Alden sa Iceland ang travel buddy niyang si Jenny Ferre, creative head ng “Eat Bulaga.” Sa Monday, February 18, nasa bansa na si Alden.
DIREK JOEY JAVIER REYES: BAHALA NA ANG MOVIEGOERS SA KANILANG HATOL
SA PRESSCON ng “Time & Again,” ang post Valentine’s Day presentation ng Regal Entertainment, tinanong si Direk Jose Javier Reyes, paano kung tulad ng mga naunang ipinalabas na movies after ng MMFF 2019 ay hindi rin kumita ang movie nilang nagtatampok kina Wyn Win Marquez at Enzo Pineda.
“Ibibigay ko na lamang sa mga moviegoer ang hatol nila, hindi ko sila sisisihin kung hindi sila manonood ng movie namin,” sagot ni Direk Joey. “Gumawa kami ng isang magandang pelikula, na bida namin ang dalawang mahuhusay na artista, na matagal na palang magkaibigan, kaya magkasundo habang nagsu-shooting kami, kaya nasa kanila ang desisyon kung papanoorin nila ang movie namin. Gagamitin ko na lamang ang laging sinasabi sa akin ng aking ama, na “bahala na si Batman. What will be will be. Tulad nga ng sabi ko, I’m happy with the movie. It’s the decision na of the moviegoers.”
Comments are closed.