HINDI na-ere sa TV ang guesting ni Alden Richards sa ‘Tonight With Boy Abunda, pero sa online episode ng nasabing programa na-interbyu ng King of Talk Boy Abunda ang Kapuso actor.
Sa Fast Talk segment ng TWBA, sinagot lahat ni Alden ang mga intriguing questions.
Tanong sa “Hello, Love, Goodbye” actor kung sino raw sa kanila ng kaparehang si Kathryn Bernardo ang mas mayaman.
Mabilis ang sagot ni Alden na si Kathryn.
Sino naman daw ang kanyang showbiz idol, childhood crush, at ang huling tao na kanyang nahalikan ng off-fam.
“Si John Lloyd Cruz po, Dawn Zulueta, at lola ko po,” agad na sagot ng Kapuso actor.
Ayon pa kay Alden, apat na beses na raw siyang na-inlove, pero hindi niya pinangalanan kung sino-sino ang mga ito. Hindi rin niya sinabi kung nasa showbiz din ang mga babaeng kanyang minahal.
At para sa kanya, ang pinaka-sexiest woman ay walang iba kundi si Marian Rivera.
Kasalukuyang palabas na ang collaboration movie nila ni Kathryn na ‘Hello, Love, Goodbye’ kung saan nu’ng premiere night ang pelikula ay sinuportahan sila ng Kapamilya at Kapuso celebrities.
ANGELICA PINAGTATAWANAN NA LANG ANG NAGING RELASYON KINA DEREK AT JOHN LLOYD
NA-INTERBYU ni Patty Yap ang kaibigang si Angelica Panganiban sa kanyang YouTube Channel na ‘Truth or Dare.’
Ang napag-usapan ng dalawa ay sina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at iba pang may konek sa buhay ng Kapamilya actress.
Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ng magandang aktres na naghihintay pa rin daw siya sa kanyang prince charming.
Pero ang komento ng netizen na nakapanood din ng video, “Kailangan ba talaga ang prince? she should just learn to truly love herself more.”
Hindi pa raw kasi maka-move on si Angge, ayon naman sa iba.
Pagtatanggol ng fan: “Naka-move na nga kaya pinagtatawanan na lang. Ano ba dapat gawin para masabi ng tao na move on na? Ung di na pinag-uusapan? Siyempre, kausap nya bff nya, she can say anything.”
Sadya ngang naka-move on na si Angelica sa kanyang mga past dahil habang nag-uusap sila ni Patty ay panay lang tawa ng aktres. Kumbaga, pinagtatawan na lang niya ngayon ang mga namagitan sa kanila nina Derek at Lloydie.
Eto naman ang magandang patungkol sa aktres.
“I LOVE ANGELICA! Share ko lang nakita ko siya sa isang restobar last weekend and I know I invaded her privacy by asking selfie with her. Pumayag siya kahit feel ko awkward sa mga kasama niya. Ms. Angelica if nababasa mo po to.. Thank you! Ang ganda mo na ang bait mo pa po!
“Kaya dun sa nagsasabing minsan mataray siya sa mga nagpapa-picture baka natiyempuhan niyo lang na pagod na pagod talaga siya at need niya ng time alone. Pero kung pwede at kaya. Ibibigay naman eh. Let’s understand them.”
“Nagpa-picture din kami sa kanya before sa airport kahit parang nagmamadali na sila ng kasama niya pero pumayag naman sya. Hindi lang siguro maintindihan ng iba na minsan hindi lahat ng oras good mood sya.”
May lumabas kasing isang fan ang nagreklamo na nang magpa-selfie siya sa aktres ay tinarayan daw siya nito at sinabing hindi siya nagpapakuha ng picture ‘pag walang trabaho.
Comments are closed.