DOUBLE time si Alden Richards sa pagti-taping ng kanyang inspirational drama series sa GMA Network, ang “The Gift,” dahil next week, five days siyang mawawala, at dalawang araw ng taping ang hindi niya magagawa. Mondays-Wednesdays-Fridays ang taping days niya. Papunta kasi ang Dabarkads sa Dubai para sa kanilang “Dabarkads Day in Dubai” sa November 15, na gaganapin sa Dubai World Trade Centre.
Sa November 12 ay aalis na sila papuntang Dubai, kaya hindi makakapag-taping si Alden ng November 13 and 15. Makakasama ni Alden sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Pauleen Luna, Allan K, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste at Maine Mendoza.
Hindi rin siya nagbakasyon dahil noong November 1, wala man siyang taping, inilipat naman nila ng family niya ang ashes ng ina nilang si Mommy Rio sa musoleo ng Faulkersons sa Centennial Memorial Garden sa Sta. Rosa, Laguna. Kaya dalawang Sundays nang nagti-taping si Alden ng “The Gift,” na lalong sinusubaybayan ng netizens, may mga umiiyak na dahil sa mga madadramang eksena ni Sep (Alden) at Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Nanay Straw (Jo Berry) dahil kahit nga bulag si Sep, nakikita niya sa panaginip niya ang nawawalang ama at gusto niyang malaman kung ano ang story ng buhay niya, bakit siya iniwan ng mga magulang. Kaya naman lungkot na lungkot ang kinikilala niyang nanay at lola dahil mawawala na raw sa kanila si Sep dahil iiwanan na sila kapag nalaman kung sino talaga ang kanyang ina, si Nadia (Jean Garcia).
Ang “The Gift” ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng “Beautiful Justice.
ANGEL LOCSIN, GMA FOUNDATION RUMESPONDE SA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO
MARAMING humihingi ng tulong para sa mga kababayan natin sa Mindanao na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol na hindi bumababa sa intensity magnitude 6. Kailangan nila ng tubig, pagkain, at gamot.
May mga private citizens nang tumutulong sa kanila, tulad ni Angel Locsin, ang GMA Kapuso Foundation, at nag-post sa Twitter ang SIP Purified Water (na endorser si Maine Mendoza) ng “Together with our distributor in Davao, we initiated a relief program to aid the earthquake victims by giving them clean water supplies.”
Pangunahing kailangan din nila ang bigas, canned goods, trapal/tent at mosquito net, dahil doon na lamang sila sa mga malapit sa kalye naninirahan. Tiyak namang marami tayong kababayan na tumutulong sa kanila hindi na nga lamang nila ipinaalam. Nagpapasalamat naman ang mga kababayan natin sa lahat ng mga tumutulong sa kanila sa pamamagitan ng mga TV coverages sa kanila.
RONNIE LIANG NATUWA SA GUESTING NI SARAH GERONIMO SA KANYANG CONCERT
MASAYANG-masaya si Ronnie Liang nang pumayag si Popstar Sarah Geronimo na mag-guest sa kanyang coming concert sa Music Museum. Pero bago niya kinausap si Sa-rah, tinanong muna ni Ronnie si Boss Vic del Rosario ng Viva, kung puwede niyang imbitahing mag-guest sa kanyang concert si Sarah. Pumayag naman si Boss Vic, kaya personal namang kinausap ni Ronnie si Sarah. Overwhelmed si Ronnie nang pumayag si Sarah. Parehong Viva artists ang dalawang mahuhusay na singers, sina Sarah at Ronnie.
Comments are closed.