ALDEN NAGPAKABOG SA ENDORSEMENT NG ALAK

MARAMI ang nagulat, lalo na sa followers ni Alden nang malaman nila na mag-buzzdayiindorso ng alak. Alam kasi ng fans ng Pambansang Bae na ang endorsements nito ay mga food and wellness related at ‘pag sinabing alak ay parang nakabibigla. Sabi pa nga ng isang katoto, “binata na si Alden.”

Pero iba naman pala ang mensahe ng alak na iniindorso ni Alden.

Sa pagpirma ng kontrata ni Alden sa Embassy Whiskey bilang kanilang ambassador na ginanap sa kanyang resto na Concha’s Garden sa Scout Madrinan, Quezon City, nalaman natin na  kinuha nila ang Asia’s Multimedia Star dahil ayon kay Marc Ngo, senior brand manager ng Embassy Whiskey, “We believe Alden is a perfect fit for Embassy because he has a positive and chill personality.”

Oo nga naman, kung may isang napakapositibong tao na nananatili ang pagiging chill sa gitna ng napakaraming pinagdadaanan kaakibat ng kanyang trabaho bilang isang sikat na actor, ‘yun ay si Alden.

“As we all know, Alden is a very hardworking person and given his hectic schedule, he always finds time to unwind. Like Embassy Whiskey, we see Alden as the go-to drinking buddy when you need to chill,” dagdag pa ni Marc Ngo.

Ang sagot naman ni Alden, naging madali ang kanyang pagpirma bilang ambassador ng Embassy Whisky dahil nakare-relate siya sa easy-going vibe ng brand. “I enjoy a glass of whisky after a long day of work, especially after shoots,” say ng actor. “Even before I agreed to be its ambassador, Embassy has been my choice of drink when I want something laid-back yet smooth.”

Kaya maraming magagandang mangyayari mula sa Embassy at kay Alden sa mga susunod na buwan, including several digital executions and a brand new TV campaign. Follow Embassy Whiskey on Facebook and Instagram for updates and more infos.

‘Yun na!

PAMILYA NG MGA BIKTIMA NG MAGUINDANAO MASSACRE

NAGPASALAMAT sa Citizen Crime Watch (CCW) si Caren Araneta (kanan), biyuda ni Henry Araneta ng DZRH Min­danao, isa mga biktima ng Mindanao Massacre sa legal services na pina­ngunahan ni Lawyer Pete Principe, CCW Chief Legal Counsel sa matagumpay na prosecution sa mga akusado sa Maguindanao Massacre. Maituturing na ito ang pinakamaraming media na biktima ng massacre sa buong mundo.

Kinamayan siya ni Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. (kaliwa), founder ng Citizen Crime Watch (CCW) at producer ng pelikulang “Malvar” na tumatalakay sa Philippine-American War noong panahon ng Balangiga Massacre na kagagawan ng American Invading Forces.  Napagtagumpayan ito ng Filipino Forces sa pamumuno ng magiting na bayaning si Gen. Miguel Malvar, na lolo ni Atty. Villegas. Ang “Malvar” ay pagbibidahan ni Manny Pacquiao.