ALDEN RICHARDS, AI AI DELAS ALAS AT JUDY ANN SANTOS, PINARANGALAN SA ANI NG DAN-GAL AWARDS

ai-ai, alden, judy ann

PINARANGALAN sa Ani ng Dangal awards sina Judy Ann Santos, Alden RichardsThe point at Ai Ai delas Alas.

Hindi naman nakadalo si Judy Ann Santos sa araw ng parangal.

Kasama sa Ani ng Da­ngal for Cinema awardees din sina Ina Raymundo, Angeli Bayani, Barbara Miguel, Crisel Consunji, Dante Rivero, Jun Lana, Brillante Mendoza, Maxine Eigenmann, Rody Vera, at ang pumanaw na aktor na si Kristoffer King.

Ang Ani ng Dangal ay ipinagkakaloob ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa mga Filipino artist na nabigyan ng international recognition o awards para sa kanilang pagganap.

Si President Rodrigo Duterte ang personal na nag-abot kina Ai-Ai, Ina, at Alden ng tropeyo ng Ani ng Dangal sa awarding ceremony na naganap sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kamakailan.

o0o

Kinumpirma ni Arjo Atayde na natagpuan na niya ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama sa buhay.

Aniya, napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal. Gayunpaman, hindi niya tinukoy kung kailan darating ang takdang panahon.

“We’re not wasting each other’s time naman. But… I’d rather not talk about… when it’s about to happen.I’d rather keep it to myself,” ani Arjo.

Wala rin naman siyang nakikitang masama kung ma­pagdesisyunan nila ang secret wedding tulad ng Ashmatt.

“For me, whatever… it’s her day, e. Wedding is a woman’s day, e.

“So, it’s her decision. Whatever kung saan siya comfortable. I don’t know yet,”pahayag ni Arjo.

Sa ngayon ay ini-enjoy na rin muna ni Arjo ang pagsosolo.

Nakatira na siya sa sarili niyang condo unit at ini-enjoy ang kanyang single blessedness.

May balak din siyang pumasok sa pagpro-produce ng pelikula.