NAGSISIMULA na ang shooting ng unang pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo, isang taon matapos ianunsyong may pelikula nga sila.
Ayon kay Viva Entertainment executive Vincent Del Rosario, wala nang urungan ang pagtatambal ng Asia’s Multimedia Star (Alden) at New Generation Movie Queen (Bea). Ang pelikula ay Philippine adaptation ng Korean film na “A Moment to Remember,” na ang working title ngayon ay “Special Memory.”
Ani Alden, matagal na niyang pangarap na makatambal si Bea sa pelikula dahil fan siya nito, kahit noon pang si John Lloyd Cruz pa ang partner niya.
Ang pelikula ay tungkol sa couple na nakaranas ng hirap dahil sa Alzheimer’s disease. Base rin ito sa 2001 Japanese drama ba “Pure Soul.” – KAYE NEBRE MARTIN