ANG isa bang artista kung nahihirapan na, puwedeng magreklamo? Dumating din pala sa ganitong punto si Alden Richards habang nagti-taping ng kanyang action-drama fantasy series na “Victor Magtanggol.”
“Opo, noong lagi akong nakasuot ng costume ni Hammerman,” sagot ni Alden. “Mainit po talaga ang costume at kung tulad ngayon na mainit ang panahon, talagang mahirap. Pero nang tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang crew na nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw, nagbubuhat ng mabibigat na gamit sa taping, samantalang ako before and after the take nasa aircon tent na para magpahinga. Mapapaisip ka talaga.”
Mami-miss ni Alden ang lahat ng mga kasama niya sa “Victor Magtanggol” mula sa buong cast, Direk Dominic Zapata and his production team and crew, dahil ang tagal nilang magkakasama three times a week, simula pa noong March before Holy Week at sa Friday pa lamang sila magtatapos. Wednesday, on location pa sila sa Cavinti, Laguna dahil doon magaganap ang big scene sa huling pakikipaglaban ni Hammerman sa mga tauhan ni Loki (John Estrada). Marami pang pasabog na magaganap hanggang sa Friday, ang #Heroic Finale.
Kaya may time na ring magpahinga muna si Alden at mapanonood na siya sa “Eat Bulaga” at sa “Sunday PinaSaya.”
Approved na rin ng GMA network ang ten days vacation na hiningi ni Alden.
“Aalis po kami ng family ko sa December 18 at babalik kami ng December 28. Hindi po ako puwedeng mag-extend ng vacation dahil panata ko na po taon-taon ang GMA New Year’s Countdown sa SM Mall of Asia sa December 31.
Sinimulan ko po iyon sa first year ko pa lamang as a Kapuso eight years ago. Sa December 8 po ang 8th anniversary ko na sa showbiz.”
Natanong nga pala namin si Alden tungkol sa Twitter post niyang “The blessings you get when you least expect it…maiiyak ka na lang. Iba ka LORD.” Pero ang sagot ni Alden: “Akin na lamang po iyon, Tita.”
DENNIS TRILLO ‘LOVE OF MY LIFE’ ANG TAWAG KAY JENNYLYN
TUWANG-tuwa ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na open na open na sila sa kanilang relasyon. Madalas kasi silang mag-post ng photos kung saan magkasama sila here and abroad at ang terms of endearment na ginagamit nila sa isa’t isa.
Last weekend ay magkasama silang nanood ng pinag-uusapang “Bohemian Rhapsody” na parang may concert daw sa loob ng sinehan dahil sinasabayan ng mga manonood ang mga kanta ng The Queen.
Post ni Dennis: “Proud QUEEN Fan since grade 2. Kasama ang aking love of my life.”
Ang tamis daw ng tawag ni Dennis kay Jennylyn na “love of my life.” Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at mukhang sa kasalan na rin ito magtutuloy. Sa ngayon ay busy si Dennis sa bago niyang action-drama series na “Cain at Abel” with Dingdong Dantes na mapanonood na simula sa Lunes, Nobyembre 19, kapalit ng “Victor Magtanggol”
Early 2019 naman daw ang bagong romantic-comedy series na pagtatambalan nina Gabby Concepcion at Jennylyn for the first time. Totoo kayang papasok din dito si Derek Ramsay?
Comments are closed.