NO boypren since birth ang drama sa lovelife ng sexy young actress na si Sanya Lopez. Meaning hindi pa niya naranasan na magkaroon ng karelasyon. Ano naman kaya ang pumipigil kay Sanya na ‘wag na munang magkaroon ng boypren, to think marami siyang mga manliligaw sa ngayon?
Say ni Sanya, choice diumano niya ang hindi magkaroon ng karelasyon hanggang ngayon. Dagdag na say pa ni Sanya, lalo pa nga raw na hindi niya mabibigyan ng quality time ang magiging boypren kung sakali man, dahil sa rami ng kanyang ginagawa. Ano naman kaya ang kuwalipikasyon na hanap ni Sanya sa magiging first ever boypren niya?
Say ni Sanya, gusto niya sa lalake ay marespeto sa babae at maging sa kanyang pamilya. At ang katangian na ito ay nakita raw niya kay Alden Richards. Say ni Sanya, inihalimbawa niya si Alden, napaka-gentleman daw ng actor sa mga babaeng kasama niya sa proyekto at kitang-kita rin ang pagiging marespeto ni Alden sa kanyang pamilya.
Sa ngayon ay abalang-abala si Sanya sa taping ng latest soap niya sa GMA-7, ang “Dahil Sa Pag-ibig” nila nina Benjamin Al-vez, Pancho Magno at Winwyn Marquez.
BIANCA UMALI SINIGURONG MAGTATAPOS NG KOLEHIYO
ISA si Bianca Umali sa mga artista natin ngayon na grumadweyt sa pag-aaral. Kahit hirap sa kanyang schedule sanhi na rin ng sunod-sunod na proyekto sa showbiz ay nagtapos si Bianca ng kanyang high school last March. Aksidente pa rin na ang palabas sa araw ng kanyang graduation ay ang graduation scene din ni Bianca sa kanyang teleserye na “Sahaya”.
At ngayon tutok na tutok si Bianca sa kanyang showbiz career, may plano pa kayang ipagpatuloy ni Bianca ang kanyang pag-aaral, kumuha ng college course?
Say ng young actress, kahit ano pa raw ang mangyari ay itutuloy at tatapusin niya ang pangarap na college course. Hindi raw hihinto sa pag-aaral ang young actress sa pagtatapos niya ng high school. At nang matanong kung ano naman ang kursong plano niyang kunin?
Sinabi ni Bianca na sa ngayon ay hindi pa raw siya sigurado sa college course na kukunin, ang bukod tanging sigurado lang daw ay ang tuloy-tuloy na pag-aaral niya.
Tsikang nahihirapan na raw itong si Bianca sa taping ng kanyang “Sahaya” dahil sa tindi ng init na nararanasan nila. Say naman ni Bianca, sakripisyo raw lahat ng bagay sa taping ng “Sahaya” bukod kasi na hindi sila nakasilid lang sa isang kuwarto o bahay, ay lagi silang nasa dagat kung saan doon ang kanilang location set. Kadalasan daw ay nakalagay ang kamera sa dagat o dili kaya sa bangka habang kinukunan ang mga eksena sa “Sahaya”.
At sa mga positibong komentong natatanggap ng naturang soap ay winner na raw ang pakiramdam ni Bianca at ng buong cast.
Comments are closed.