ALDEN RICHARDS NAGPAMALAS NG GALING SA BARTENDING

ALAM nating lahat na si Alden Ri­chards ay maga­ling umarte, kumakanta at evelyn diaosumasayaw. And lately, he is proving to be a good businessman with his chains of Concha’s Restaurant, na magiging apat na yata, at ang pinakahuli ang franchise niyang McDonalds na binuksan kamakailan sa highway ng Biñan, Laguna.

Sa unang episode ng Mars Pa More, a family-oriented talk show hosted by Camille Prats and Iya Villania, umani ng papuri ang first-ever guesting ni Alden matapos ipamalas ng Kapuso actor ang kanyang galing sa bartending na natutunan nito bilang parte ng kanyang role sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Hindi naman kataka-taka na matutunan niya ang pagba-bartending dahil engaged siya sa negosyo ng restaurant at who knows, maituro niya ito sa kanyang staff ang maayos na pagti­timpla ng mga inumin.

Sa pilot episode na iyon, nagpakitang-gilas naman sa boxing ang anak ni Camille Prats na si Nathan habang ang anak naman ni Iya Villania na si Primo ay naghanda ng isang nakakatakam na snack.

Maraming mga nakaaaliw na episode ang ihahandog ng Mars Pa more, isa rito ang tamang pag­hawak ng credit cards na siguradong maraming mga Kapuso ang makikinabang. We will discuss this in our next column.

Simulan ang inyong mga umaga ng tama at samahan ang celebrity moms na sina Camille at Iya sa Mars Pa More, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 hanggang 9:20am sa GMA Network.

ANGELIC AT GELO NAGPAALAM NA; CRYSTAL PARAS AT RADSON FLORES PASOK SA STARSTRUCK FINAL 14

NAKAWIWINDANG ang elimination round last week ng Starstruck 7 Final 14. CRYSTAL and radsonNagpaalam na sina Angelic Guzman at si Gelo Alagban. Naging emosyunal si Gelo dahil parang napakaaga pa ng goodbye at ang inaalala raw niya ang kanyang mga magulang who, maybe, expected a lot from him. Pero ganu’n talaga, may nananalo, may natatalo. Naging emosyunal din ang kanilang mga naiwan dahil nagkaroon na sila ng bonding sa loob ng ilang linggong pagsasama nila sa Starstruck.

May bago namang nakapasok, ang “second chance takers” na sina Crystal Paras at Radson Flores.

LEXI GONZALES BAGONG KATRINA HALILI NG STARSTRUCK 7

SANA ay manalo ang bet ko na si Lexi Gonzales, a 19-year old Katrina Halili look-LEXI GONZALESalike from Sampaloc, Manila. Napansin ko ang lalim ng pag-arte noong 22 pa sila bago na-trim down to 14.

May hugot pala siya dahil nakatanim sa isip niya ang tampo sa ama na matagal na niyang hindi nakikita at sinabi sa kanya noon na hindi raw si-ya maipagmamalaki. Iniwan pala sila ng kanyang ama noong halos apat na taong gulang pa lamang siya.

Kaya gusto raw niya ang role ng isang aping-api na bida tulad ng naging role ni Marian Rivera sa Marimar na sinundan daw niya while she was 7 years old and still vividly remembers the scene kung paano raw pinakain si Marian ng putik.

Sa ngayon, nakatutok siya sa kanyang ina at kapatid na special child at hopefully mabigyan niya ng magandang buhay kung palarin siyang maging grand champion ng Starstruck. Good luck, Lexi!

Nakaka-tense ang mga pasabog na mangyayari sa StarStruck. Tutok na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy’s Gurl at Linggo pagtapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA-7.

CAST NG FAMILY HISTORY BIBISITA SA STARMALL  BULACAN

NASUBUKAN ang galing sa pagpapatawa ng StarStruck finalists dahil sumabak sila family historysa isang comedy challenge kasama mismo ang Kapuso comedy genius na si Michael V. Masuwerte nga sila dahil bukod kay Bitoy ay may pabaon din na tips si Direk Caesar Cosme na headwriter ng Bubble Gang.

Tiyak na maraming napulot na aral ang hopefuls mula kay Bitoy at sa iba pang cast ng Bubble Gang na kanilang naka-eksena. Sabi pa ni Bitoy, “Comedy daw is serious business, because comedy more than anything else ay nagre-require rin ng totoong acting skills.”

Samantala, marami na talaga ang nag-aabang sa Family History na directorial debut ni Bitoy. Pinaghalong comedy at drama ang pelikula kaya sinigurado ni Bitoy na mag-e-enjoy ang buong pamilya. This Sunday, July 14, magkakaroon ng mall show sina Bitoy, Bianca Umali, Nikki Co, Jemwell Ventinilla, Vince Gamad at Ms Dawn Zulueta sa Starmall, San Jose del Monte Bulacan at 4PM. Siguradong maraming sorpresa na iha-handog ang cast sa event na ito.

Comments are closed.