VERY successful ang “Dabarkads in Dubai” show ng “Eat Bulaga” na ginanap sa Dubai World Centre in Dubai, UAE last Friday, November 15. Naging hosts ng show sina Vic Sotto, Joey de Leon, Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, at sina Pauleen Luna, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, kasama ang EB Babes dancers, at si Mr. Antonio P. Tuviera ng TAPE, Inc.
Siyempre pa ay masayang-masaya ang AlDub Nation (ADN), fans nina Alden at Maine na nakita sila muling magkasama, na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar, from USA, Canada, and Europe na pumuno sa 11,000 sitting capacity theatre. Blockbuster ang show, na hindi maikakaila sa uploaded videos sa YouTube ng mga nanood, kung gaano karami ang mga tao.
ALDEN, 1ST FIL MALE ACTOR TO LAND IN UAE XPEDITION MAGAZINE
PERO si Alden, may isa pa palang dahilan ng pagpunta roon, bukod sa show, kaya naiwanan siya ng Dabarkads na mamasyal bago sila umuwi. No problem naman kay Alden, dahil pang-third time na niyang pumunta ng Dubai, at isinabay na ng Xpedition Magazine ang pictorial niya, titled ‘THE ARRIVAL OF THE KING’
Post nila: “Are you ready for the most ICONIC shoot with our first ever “MALE COVER?” Asia’s Multimedia King @aldenrichards02 in a Royal-themed COUTURE shoot, set in an enchanting, floating diamond-lights Arabian backdrop – with Dubai’s producer to the stars @josh_yugen – CEO and Publisher of @xpeditionmagazine in @furneamato most recent Runway Collection.”
Si Alden pala ang first Filipino male actor na naging cover ng Middle East magazine, dalawa pa lang na Filipina celebrities ang naging cover nito, si 2018 Miss Universe Catriona Gray at ang young actress na si Maymay Entrata.
Wala pang announcement kung may mabibiling copies dito sa Filipinas ng Xpedition at wala rin silang pinost na mga shoots nila sa Dubai ni Alden.
Sabay-sabay nang bumalik ang Dabarkads noong Saturday evening, November 16, from Dubai kaya Sunday morning narito na silang lahat. Si Alden, dumiretso na ng bahay nila sa Nuvali, at natuwa naman ang fans na nakakita sa kanyang naggo-grocery sa S & R, Sta. Rosa, Laguna.
Kahapon, Monday, nag-report na si Alden sa taping ng kanyang inspirational drama series na “The Gift” na napanonood gabi-gabi pagkatapos ng “Beautiful Justice.”
DINGDONG DANTES & YES PINOY TUMUGON SA MGA BIKTIMA NG LINDOL
TTUMUGON agad si Dingdong Dantes at ang itinatag niyang Yes Pinoy Foundation, sa panawagan ng mga kababayan natin sa Bansalan, Davao del Sur na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol doon. Kaya pagkatapos nilang makakalap ng donasyon tulad ng bigas, canned goods, water at mga gamot na kailangan ng mga nasa evacuation centers, nag-pack na sila ng mga relief goods for distribution. Pinasalamatan ni Dingdong ang kanilang mga donors at ang mga ground partners na sumuporta at tumulong sa distribution ng relief goods tulad ng NCIP, Bansalan LGU at ang military.
Pero hindi pinababayaan ni Dingdong ang taping niya sa “Descendants of the Sun” ang Pinoy adaptation ng Korean drama na ngayon pa lamang ay excited na ang mga viewers na mapanood, with leading lady Jennylyn Mercado. Sana raw ay very soon na.
Comments are closed.