EASTERN SAMAR – NATAGPUANG walang buhay ang isang 69-anyos na German sa kanyang higaan noong Biyernes sa bayan ng Guiuan.
Pinaniniwalaang inatake sa puso si Herbert Volk, binate at naninirahan sa Sitio Motorpole, Barangay Ngolos, Guiuan.
Natagpuan ang labi ni Volk alas- 3:50 ng madaling araw.
Sinasabing bago ang pagkatagpo sa labi ni Volk ay dumaraing na ito ng pananakit ng dibdib. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.