SUSPENDIDO pa rin ang klase sa probinsiya ng Batangas, ngayong araw, Enero 20.
Sa memorandum, ipinaliwanag ni Batangas Gov. Hemilando “Dodo” Mandanas na ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Mandanas, suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsiya ng Batangas.
Sa huling abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.
MALALANG TRAPIKO
Samantala, hindi alintana ng mga nagpamahagi ng relief good ang mabagal na trapiko at kahit patindi nang patindi ang build up, idinaan na lang sa pagkanta ng iba ang matagal na biyahe at mahalaga ay makatulong sila. EUNICE C.
Comments are closed.