NASUNGKIT ni Sakura Alforte ang bronze medal sa women’s karate makaraang gapiin si Chinese Taipei’s Hui Hsuan Chien sa 19th Asian Games kahapon sa Hangzhou, China.
Naungusan ni Alforte si Chien sa bronze medal match ng women’s individual kata na may 41.90 points, 0.6 puntos lamang ang bentahe sa kanyang katunggali.
Ipinagkaloob ng Pinay athlete ang ika-13 medalya ng Pilipinas sa quadrennial meet.
Nauna rito ay nakopo ni Meggie Ochoa ang ikalawang gold ng Pilipinas sa Asian Games makaraang magreyna sa women’s 48kg class ng jiu-jitsu.
Ang Pilipinas ay nakakolekta na ng 2 gold, 2 silver, at 10 bronze medals.