KASAMA ang Commission on Elec tions (Comelec) ay inilunsad kahapon ng ride-hailing firm Grab ang voters’ information campaign bilang paghahanda sa nalalapit na midterm polls.
Ayon sa Grab Philippines, ang #OneDestination campaign ay naglalayong masugpo ang voter ‘misinformation’ at mahikayat ang mga Filipino na bumoto sa Mayo 13.
Sa ilalim ng kampanya, ang mga piling GrabCar units ay magkakaroon ng stickers at flyers para sa voter education. Ang pool ng influencers nito ay magpapaliwanag din para mapasinungalingan ang ‘voting myths’ upang mahikayat ang mas maraming tao na bumoto.
Nangako rin ang ride-hailing firm na magkakaloob ng access sa mga polling precinct sa araw ng halalan, at nag-alok sa mga botante sa Metro Manila at Metro Cebu ng P50 discount patungo sa polling stations gamit ang GrabShare discount code ONEDESTINATION.
“As Grab, our role goes beyond providing safe, seamless and reliable services to our customers but to also cultivate a sense of community and unity among our fellow Filipinos,” wika ni Grab Philippines president Brian Cu.
Ayon pa kay Cu, ang ride-hailing firm ay mayroon ding long-standing partnership history sa iba’t ibang government at non-government organizations tulad ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Comments are closed.