MAY 50 percent discount ang mga domestic tourist sa RT-PCR test para sa COVID-19, ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Sa signing ceremony kahapon, inanunsiyo ni Puyat na ang orihinal na presyo na P1,500 para sa testing sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ay magiging P750 na lamang.
“It is my pleasure to announce today that we are expanding this RT-PCR testing subsidy program for our tourists. Through this partnership, DOT [Department of Tourism] further lowers the cost of the RT-PCR test,” ani Puyat.
May P8.7 million mula sa special contingency fund ang magsa-subsidize sa 50 percent ng halaga ng RT-PCR testing para suportahan ang domestic tourism industry sa gitna ng pandemya.
“So ‘yung P1,500, magiging P750 na lamang to benefit 11,600 domestic tourists,” sabi pa niya.
Ang partnership deal ay nilagdaan ng DOT, PCMC at ng Tourism Promotions Board (TBP).
Ayon kay TBP chief operating officer Maria Anthonette C. Velasco-Allones, ang deal ay magiging epektibo hanggang Hunyo 2021.
Comments are closed.