Standings W L
Perpetual 2 0
EcoOil-DLSU 2 1
Marinero-San Beda 2 1
CEU 1 1
PSP 1 2
Wang’s-Letran 0 1
AMA Online 0 2
Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. – PSP vs AMA Online
4 p.m. – Marinero-San Beda vs Perpetual
PAG-AAGAWAN ng NCAA rivals University of Perpetual Help System Dalta at Marinerong Pilipino-San Beda ang liderato sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena.
Ang mananalo sa Altas-Red Lions duel sa alas-4 ng hapon ay magkakaroon ng inside track na makapasok sa playoffs ng seventeam tournament.
Sa 2-0, ang Perpetual ang tanging undefeated team, makaraang magkasunod na pataubin ang Philippine Sports Performance at AMA Online.
Tabla naman ang Marinero-San Beda sa walang larong EcoOil-La Salle sa second place sa 2-1.
Magsasalpukan ang Gymers (1-2) at Titans (0-2) sa curtain raiser sa alas-2 ng hapon.
Nanalo ang Red Lions ng dalawang sunod matapos ang season-opening loss.
Subalit kontra Perpetual, umaasa ang Marinero-San Beda ng kapareho at kung hindi man ay mas mabigat na laban.
“It’s a good thing that we’re winning games like these, ‘yung mga dikdikan. Against Perpetual, it’s another tough game. Ito rin naman ‘yung dahilan bakit kami sumali sa D-League. We expect to face some of the toughest competitions,” sabi ni coach Yuri Escueta makaraang gapiin ng kan- yang tropa ang Wang’s Basketball @27 Striker-Letran, 90-87.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang Altas laban sa familiar foe sa katauhan ng Red Lions.
“Kailangan handa kami against Marinero-San Beda. Our next coming games, ito na talaga yung mga established na schoolbased teams so dapat preparado kami nang maigi,” sabi ni Perpetual coach Myk Saguiguit.