‘ANAK’ NG INDONESIAN COUPLE HAWAK NG ASG

SULU – HAWAK umano  ng Abu Sayyaf Group (ASG)  partikular ng grupo ni Hatib Hajan Sawadjaan ang 10-anyos na batang babae na anak umano ng mag-asawang bomber sa naganap na Jolo Sulu twin bombing.

Kinumpirma  ni Interior  Secretary Eduardo Año, na inaalagan ito ngayon ng mga miyembro ng ASG sa Patikul sa Sulu na posibleng sana­yin para maging suicide bomber din balang araw.

Ang impormasyong ito ay nakuha niya sa isang indibidwal na sumuko sa PNP matapos ang naga­nap na kambal na pagsabog sa Sulu na ikinasawi ng 23 indibidwal.

Sa ngayon pinagtutulungan na ng mga sundalo at pulis ang paghahanap sa bata upang hindi ito lumaking pariwara lalo’t nanini-wala ang pamilya nito na sa pagiging suicide bomber nakakapunta sa langit ang kanilang kaluluwa.

Kapag nahanap ang bata  maiko-crossmatch dito ang DNA result ng dalawang pares ng paa na nakuha sa pagsabog para opisyal na makumpirma na ang batang babae ay anak ng mag-asawang suicide bomber. REA SARMIENTO

Comments are closed.