‘Ang kahirapan ay isang hamon at hindi hadlang sa buhay.”
Paniniwala ito ni Donata ‘Dona’ L. Valler, ang itinanghal na 2019 TESDA Idol ng Region V at napiling first runner up sa 2019 Idols ng TESDA national search sa ilalim ng wage-employed category. Siya ‘y educator, agriculturist at author. Ang kanyang mga Trade Qualifications: Agricultural Crops Production NC lll, Animal Production (Poultry-Chicken) NC ll, 2018; Horticulture NC ll, 2015; at Organic Agriculture NC ll, 2017. Maliban dito, holder din siya ng National TVET Trainer Certification (NTTC) Level l Horticulture NC ll at Trainer Methodology ™ l.
Si Dona ay nagtapos ng kursong BS in Agriculture Major in Agricultural Education noong 2003. Pagka-graduate, agad naman siyang nakuhang guro sa DEBESMSCAT bilang contractual teacher sa loob ng tatlong taon bago siya naging regular. Siya’y nagturo rin sa Central Luzon State University sa Nueva Ecija at naging director ng Agriculture College ng nasabing school.
Taong 2015 nang magdesisyon siyang kumuha ng mga TESDA qualifications na kanyang inaaplay sa kanyang pagtuturo. Noong 2010, siya ay nagtapos ng kanyang degree sa Doctor of Philosophy in Crop Science. Siya’y author at nakapagpalathala ng dalawang researches sa American Journal of Plant Services noong 2016. Ito’y may titulong Productivity of Two White Corn Varieties Applied with Varying Amounts of Bio-N Fertilizer, at ang Anthocyanin Production in Red Katuray as Affected by Cucrose and Illumination in Vitro Culture. Ang isinulat niyang Productivity of Two White Corn Varieties Applied with Varying Amounts of Bio-N Fertilizer ay nagbigay sa kanya ng maraming parangal sa loob at labas ng bansa.
Sa kasalukuyan si Dona ay Board of Trustee ng Dr. Emilio B. Espinosa, Sr. Memorial State College of Agriculture and Technology (DEBESMSCAT) at Director for Extension and Linkages.
Naging inspirasyon ni Dona sa kanyang pagsisikap at tagumpay ang kahirapan na kanyang dinanas noong kanyang kabataan. Tenant-farmers ang kanilang mga magulang, at siyam silang magkakapatid kaya sobrang hirap ng kanilang buhay. Upang makadagdag sa kita ng pamilya para sa kanilang gastusin partikular sa pag-aaral nilang magkakapatid, ang kanyang ina ay nagluluto ng mga kakanin na inilalako nilang magkakapatid. Aniya, sipag at tiyaga ang naging puhunan ng kanilang mga magulang, kaya lahat silang siyam ay nakapagtapos sa kolehiyo at pawang matatagumpay sa kani-kanilang propesyon.
Plano niyang magtayo ng sariling learning site kaugnay sa tech-voc course partikular sa agriculture katuwang ang kanyang pamilya.
Comments are closed.