KAHIT anong tagal pa ang gawin ng isang artista para iwasan ang showbiz ay siguradong babalik at babalik pa rin ito sa pag-arte sa harap ng camera.
Isa na nga riyan ang nagbabalik na si Andi Eigenmann na gagawa muli ng pelikula at kung walang magiging aberya ay isang buwan siyang mawawalay sa kanyang sa kanyang bunsong anak na si Baby Lilo.
Kahit hirap na hirap nga raw si Andi na iwanan ng isang buwan ang kanilang six month old baby girl nila ni Philmar Alipayo ay nakapagdesisyon na siyang gumawa ng pelikula.
“And now comes the hardest part. After almost 6 months, I am leaving Lilo for the very first time with papa on the island, because I will be busy filming a new movie,” bahagi ng post ni Andi na kahit nanganak ay nandoon pa rin ang kaseksihan at kagandahan.
JOHN LLOYD CRUZ ‘DI NAKATIIS, BALIK-SHOWBIZ
ISA pa rin sa nagbabalik-showbiz ay si John Lloyd Cruz na matagal din namahinga at umiwas sa showbiz.
Sabi nga, kapag nasa dugo mo ang pag-aartista ay mahirap ito iwasan at isa pa ay napakadali ng pagkita ng pera sa showbiz lalo`t ikaw ay isang sikat na celebrity.
Anyway, kasama nga sa omnibus plug ng ABS-CBN ang movie ni John Lloyd under Star Cinema at ABS-CBN Film na Servando Magdamag.
Medyo mabilis lang ang pagpapakita ng plugging ng pelikula ni Lloydie at wala rin nakalagay na kung sino ang nagdidirek ng kanyang comeback movie.
Makikita lang ang eksena ni Lloydie na parang nakaluhod.
Ang sigurado ay masaya ang mga tagahanga ni Lloydie dahil may mapanonood na silang movie ng actor sa pagpasok ng taong 2020.
ANNE CURTIS IBINAHAGI ANG PAGBUBUNTIS
IBINAHAGI ni Anne Curtis ang kalagayan ng kanyang pagbubuntis via social media.
Malapit na ang panganganak ng kanilang first baby ni Erwan Heusaff at ikinuwento ni Anne na ramdam na ramdam na niya at nakikita ang leg, knee at foot ng bata kapag sumisipa na ito at umiikot sa kanyang tiyan.
Kapag magalaw raw ang bata sa kanyang tiyan ay nahihirapan daw siya minsan huminga.
Sobrang ingat ang ginagawa ni Anne sa kanyang kalusugan at ng baby kaya kahit nasa tahanan ay sinisiguro na nakasuot siya ng face mask para maiwasang makalanghap ng volcanic ash.
“Praying for all of those who have been affected by the Taal Volcano eruption in the Philippines. Hope everyone living close by were able to evacuate in time.
“Please take all necessary health precautions as instructed by the LGUs for your and your family`s safety. Stay indoors if you must…I heard the ashfall reached various parts of the metro last night and it can be quiet hazardous to your health. Swipe to see how you can properly take care of yourselves and family.
“Please don’t forget your fur babies too,” post ni Anne sa IG.
Pagsilang ng baby ni Anne, magpapa-dede rin kaya siya tulad ng ginagawa ngayon ni Solenn Heusaff sa first baby nila ni Nico Bolzico.
Magawa rin kaya ni Anne na magpakuha na nagpapa-dede ng baby, tulad ng ginawa ni Solenn sa kanyang baby girl.
Comments are closed.