ANDREA BRILLANTES, IPON MODE MUNA

Tapos na raw si Andrea Brillantes sa pagbili ng kung anu-ano bilang reward sa kanyang sarili tuwing may matatapos siyang project. Plano raw niyang mag-ipon ngayon lalo pa ay may bago siyang diamond ring bilang celebrity ambassador ng LVNA by Drake Dustin.

Siya ang special guest sa pormal na pagbubukas ng fine diamond jewelry store sa Clark City Frontmall branch sa Clark, Pampanga, noong Sabado, Nobyembre 23, 2024.

Mahigit isang milyong piso raw ang ha­laga ng diamond ring na bigay ni LVNA owner Drake Dustin Ibay, at pakiramdam ni Andrea ay parang nakatanggap siya ng “engagement proposal.”

“Gulat na gulat ako nang binigyan ako ng LVNA. Siyempre, hindi ko ito ine-expect, pro­mise!

“It made my day. Ito na yung gift na all in all ng 2024. Thank you so much, Merry Christmas! Happy New Year.

“Gulat na gulat ako. Sabi ko, oh my God! Ito pala yung feeling, ito pala yon.

“Meron din po si Mommy. Sobrang generous ng LVNA, sobrang-sobra,” hindi makapaniwalang reaksiyon ni Andrea dahil sa mamahaling alahas na regalo sa kanya.

Ngayon, mag-iipon muna raw siya dahil marami na siyang gastos ngayong 2024.

Pinaghahandaan din umano niya ang partnership nila ng LVNA kay House Representative Dimple Mastura ng 1st District ng Maguindanao and Cotabato City. Magtatayo umano sila sa Davao ng sangay ng jewelry store na kanyang ine-endorso.

Magkakaroon din siya ng mga sariling disenyo ng alahas para sa Barbie line ng iniendorso niyang jewelry brand na binigyan niya ng pangalang “Living The Dream Life.”