ANDREA BRILLANTES MAY BF NA, PERO CHEAP ANG PAMPAGANDA

Opisyal nang magkarelasyon sina Andrea Brillantes at actor-basketball player Ricci Rivero nang sagutin niya ito ng matamis na ‘Oo” matapos ang laro nito sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game kamakailan.

Matagal nang nililigawan si andrea ni Rivero, varsitarian ng University of the Philippines (UP). Inanunsyo niya sa mikropono ang tanong na “will you be my girlfriend” sa announcers’ area, at sinagot naman ito ni Brillantes sa pamamagitan ng pagtataas ang Tshirt na may printed word na “yes.” Nag-“I love you” pa si Ricci bago pinuntahan si Andrea sa court.

Samantala, ipinagmalaki ni Andrea na napakamura ng kanyang beauty secret. Libangan daw kasi niyang mag-practice mag-make-up pag hindi siya busy, na pino-post niya sa kanyang YouTube channel. Sa huli niyang post, ibinahagi niya ang kanyang beauty secret na hindi lang daw cheap kundi minsan, libre pa. ang ice or yelo as a pore minimizer.

“Naglalagay po ako ng ice sa mukha ko everyday,”aniya. “Minsan, binababad ko yung mukha ko sa isang malaking bowl na panay ice. Minsan, umaabot ako ng ilang oras, matagal po.”

Scientifically speaking, nakakaliit ng pores ang yelo, nakakagaling agad ng tagiyawat, at smoothing primer na rin bago mag-apply ng foundation.

 

SHARLENE SAN PEDRO, JODI STA MARIA, GA-GRADUATE NA SA COLLEGE

Tuwang tuwa at proud na proud sina Sharlene San Pedro at Jodi Sta. Maria dahil sa wakas, isang kembot na lang, graduate na sila sa college.

“Thesis defended. Road to graduation na!” ani Sharlene.  AB Psychology student ang ‘Goin’ Bulilit’ actress sa AMA University and Colleges.

As for Jodi, pasado na rind aw ang kanyang thesis matapos siyang i-grill ng tatlong oras ng panel. Hindi raw nasayang ang mga puyat niya at pagod sa paggawa nito.

  1. S. Psychology namang kurso ni Jodi sa Southville International School and Colleges, at hindi sa pagyayabang, dean’s lister ang ateng kahit busy sa pag-aartista at pag-aalaga sa anak na si Thirdy. Pinilit daw niyang tapusin ang pag-aaral para sa kanyang anak.

Samantala, nagsisisi naman si Kim Chiu na hindi siya nagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, pero isang araw daw, babalikan niya ito.

Pero hindi raw aman siya nagsisising nag-artista siya at nakatulong sa kanyang pamilya, kung saan napagtapos niya sa kolehiyo ang tatlo niyang kapatid.

Way back then, pinilit naman ni Kim na makapagkolehiyo. Hindi nga lamang niya kinaya dahil sa mga demands ng kanyang trabaho. Nag-attend siya sa University of the Philippines Open University mula 2015 hanggang 2017, pero hindi niya natapos ang kursong business ma­nagement.

ANGEL LOCSIN, DARLA, BINISITA SI KRIS AQUINO

Binisita si Kris Aquino ni Angel Locsin at dating  “Kris TV” sidekick and head writer Darla Sauler ka­makailan.

Ipinagdarasal daw nilang dalawa ang Queen of All Media na gumaling na para makasama na uli nila sa entertainment world.

Naunang bumisita si Angel kay Kris at sinamahan pa niya ito sa mga medical tests and treatments niya.Tsini-check daw ni Angel ang kalagayan ng

kaibigan kaya madalas siyang dumalaw dito.

Kasunod na dumalaw si Darla na ikinatuwa naman ng sobra I Kris dagil tatlong taon na silang hindi nagkikita.

Autoimmune disease at erosive gastritis and gastric ulcer ang sakit ni Kris, at hindi cancer tulad ng sapantaha ng marami. Plano naman ni Aquino na magtungo sa abroad kasama ang dalawang anak para mamalagi doon ng apat na buwan.

JENNYLYN MERCADO LADY IN RED KAHIT BUNTI

Wine-red flowy dress at pulang a scarf ang soot ni Jennylyn Mercado sa kanyang maternity shoot bilang preparasyon sa pagdating ng kanilang anak ng asawang si actor Dennis Trillo.

Sa kabila ng baby bump, super alluring pa rin ang dating ni Jen, halatang baby girl ang kanilang anak dahil gumaganda raw ang ina kapag babae ag ipinagbubuntis. Pareho na silang may anak sa previous relationships pero excited pa rin umano sila sa parating na baby.

 

 

RUFFA GUTIERREZ: “WALA AKONG BF AT DI AKO BUNTIS”

Wala raw boyfriend si Ruffa Gutierrez kaya hindi siya magpapakasal at lalong hindi siya mabubuntis. Wala raw naman silang inaamin ni senatorial candidate Herbert Bautista na sila na.

Ani Ruffa, “After the 75th call from a Marites, let me set the record straight. I am not pregnant with twins. I never got married. I did not have a miscarriage. I did not admit to having a boyfriend.”

Dagdag pa niya, “only real news” daw ay iboboto niya si Bautista. Pati nga raw sina Vina Morales at Donita Rose ay binibiro siya sa buntis issue. Kahit daw ang kapatid niyang si Raymond ay aliw na aliw sa buntis at kasal issue.

 

 

 

CATRIONA GRAY DI NATINAG SA MGA ISYU NG KANYANG WAX FIGURE

Hindi nagpaapekto si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga isyung kaakibat ng wax figure sa Madame Tussauds Singapore, na kopya sa kanyang winning moment sa Miss Universe na ginanap sa Thailand.

Kasama sa kinopya ang “Lava gown” na gawa ni Mak Tumang at ang “Alab and Dangal” ear cuff na gawa naman ng Tessera Jewelry, pero “modified version” daw ng suot na heels ni Catriona, na ikinasama ng loob ni Jojo Bragais dahil hindi siya na-acknowledge.

Wala namang balak si Catriona na papalitan ang suot na heels ng kanyang wax figure dahil tapos na raw ito, at hindi naman siya nakikialam sa mga developments nito. Basta raw masaya siyang naka-display ang kanyang wax figure sa Madame Tussauds Singapore. Dadalhin din daw ang kanyang wax figure sa Hong Kong at Thailand kung saan mayroong branch ang Madame Tussauds Museum. Sana raw, madala rin ito sa Pilipinas.

Sa ngayon, nakatutok raw muna siya sa kanyang amang si Ian Gray dahil katatapos lamang ng heart surgery nito.

ARCI MUNOZ, RAYMOND GUTIERREZ SA OSCARS PARTY

Ipinagmalaki nia Arci Muñoz at Raymond Gutierrez na dumalo sila sa viewing party sa Hollywood ng 94th Academy Awards, o Oscars.

Hawak ang version ng trophy sa Oscars, nagpa-picture pa si Arci sa The Hollywood Roosevelt hotel sa California, at nakipag-inuman pa ng champagne glasses kay Raymond at iba pa.

May mga projects ngayon si Muñoz sa United States, kung saan nagkaroon siya ng Hollywood red carpet debut sa premiere ng comedy film “Jackass Forever” last February.

BELA PADILLA AYAW NG LIVE-IN

Hindi kasal at hindi nakikipag-live-in si Bela Padilla sa boyfriend niyang si Norman Bay dahil nasa Zurich, Switzerland ito habang siya ay nasa London, England.

Ani Bela, gusto muna niyang mamuhay mag-isa. Pero kapag may problema, puwede naman daw niyang puntahan si Norman kahit anong oras.

Sa London, natuto raw siyang mamuhay ng simple. Pero babalik daw siya sa Pilipinas kung magkakaroon siya ng project. Sa ngayon, sa London raw muna siya lalo pa at pandemic nga.

HIPON GIRL ENJOY ANG PAGSALI SA BB. PILIPINAS

Mixed emotions daw si Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl sa pagsa-submit ng application sa Binibi­ning Pilipinas 2022 pageant.  Gusto kasi ng Kapuso talent na makapasok sa national pageant. Sana lang daw, pumasa siya sa screening.

Masaya pero kabado raw siya sa magiging resulta ng kanyang application. Baguhan man siya sa national pageant, may karanasan din si Herlene sa beauty pa­geants dahil nanalo na siya sa Binibining Angono ng Si­ning 2017.