ANDREA TORRES AT DEREK RAMSAY PINABULANAAN NA LUMALABO ANG RELASYON

andrea and derek

PINABULAANAN ng magdyowang Derek Ramsay at Andrea Torres ang tsikang nasa  peligrong maghiwalay na raw ang dalawang magsing-wallfaceirog, as in, on the rocks daw ngayon ang kanilang relasyon. Napuna kasi ng followers ng dalawa na nawawala na raw sa kanya-kanyang post ang mga nakasanayan na nilang gawing dalawa ng kanilang mga larawan na magkasama.

Say naman ng dalawa, smooth sailing ang kanilang relasyon. Say pa ni Andrea dahil sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ay nawalan sila ng time magsama physically at tanging sa teknolohiya lang sila nag-uusap. Gustong-gusto na rin daw niyang makapiling ang boypren lalo na nakasanayan na niya ito bago mag-ECQ.

Dagdag na say pa ni Andrea, nami-miss na raw niya ang yakap at lambing sa kanya ng  boypren. Pati na yung mga tawa ni Derek pag pilit siyang nagjo-joke dito. At higit sa lahat ay hinahanap-hanap na raw niya ang amoy ng boypren.

Say pa ni Andrea, lagi raw niya kasing inaamoy-amoy ang boypren sa tuwinang magkasama sila. At ngayon na magkalayo sila ay miss na miss na niya ang kinagawian.

Isa pa rin sa kadalasan na ginagawa ni Andrea para sa boypren ay ang ipinagluluto niya ito ng mga paborito ulam at sabay silang kumakain. Ngayon daw ay napagluluto pa rin naman niya ng pagkain ang boypren pero pinapadala na lang ito at sa videocall na lang sila sabay na kumakain.

Samantala, kuwento naman ni Derek na tulad ng kanyang gf,  nami-miss na rin niya raw ang lambingan at harutan nila ni Andrea. At ‘yung mga gawi nila pag magksama. Kaya nga ganun na lang ang pasasalamat ni Derek na may video call kung kaya nakukumusta niya ang gf sa umaga at sabay silang nagwo-work out. Kahit pa na kanya-kanyang mga tahanan ang dalawa.

Sa video call din daw nila dinadaan ni Andrea, ang kanilang meditation at ang pagdarasal na magkatabi.

Aminado rin si Derek na hinahanap-hanap niya ang personal na pag-aalaga sa kanya ni Andrea,  ang paglalambing nito sa kanya na may kasamang payakap-yakap at pag-amoy-amoy sa kanya nito. May virtual hug naman silang sinusubukan pero iba pa rin daw ‘yung personal na nayayakap niya ang gf.

Magkapareho naman ng pananaw sina Andrea at Derek nang dahilan sa ECQ ay nagkaroon sila ng mas maraming oras para sa pamilya. More time for family bondings. Kung kaya napagkaisahan nina Derek at Andrea na pagka-lift daw ng ECQ at maging normal na ang takbo ng buhay ay dadalhin ng dalawa ang kani-kanilang mga pamilya para sa isang engrandeng bakasyon.  Magkakasama silang lahat na parang isang malaking pamilya.

Ang destinasyon na napili nina Andrea at Derek para pagbakasyunan nila ay sa Palawan. Why Palawan? Gusto kasi ng dalawa na dalhin sa paraiso ang kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, excited na rin ang dalawa sa bagong teleseryeng gagawin nila sa Kapuso Network. Para sa ikalawang serye ni Derek after ng ‘The Better Woman’ ay sila uli ni Andrea ang magkapareha.