ANDREA TORRES AYAW PANGUNAHAN ANG MANGYAYARI SA KANILA NI DEREK RAMSAY

derek and andrea

MAGANDANG kausap ang sexy actress na si Andrea Torres dahil sinagot niya lahatshowbiz eye ang mga tanong sa kanya para sa kanilang “The Better Woman.” Ilan sa mga tanong sa kanya, kung may sexy scene na silang ginawa ng bagong leading man niyang si Derek Ramsay: “Intimate scene po agad talaga, pero ayaw ko kayong i-preempt pero ito ang dapat talaga ninyong abangan, habang dinadala kami ng alon ni Derek.”

Sa pagpo-pole dancing niya: “Ang hirap po, three days akong nag-training at masakit talaga sa legs, nagkapasa-pasa ako.  Pero worth naman dahil pasado ako.”

Ang role niyang twins, hindi ba mahirap?  “Minsan na akong gumanap ng dual role. Dito si Jasmin ay mabait, refined, edukada.  Ang role ni Juliet, ang talagang pinaghandaan ko dahil lumaki siyang hirap, mas aggressive, babaeng bakla, palaban. Kaya magkaiba rin ang buhok, kilos at nuances ng dalawa. Medyo mahirap lamang kapag ang eksena namin kumakain, dahil paulit-ulit iyon, eh ayaw ni Direk Mark na ipeke namin ang pagkain, kaya kapag kumakain ang twins, kain ako nang kain, kaya lagi akong busog na busog, nagda-diet pa naman ako kaya kinabukasan, kailangang i-burn ko iyon sa gym.”

Tungkol sa pagkaka-link niya kay Derek nang makipaghiwalay ito sa ex-girlfriend na si Joanne Villablanca, hindi raw maiiwasan kasi lagi silang magkasama sa work.  Nagpasalamat siya na ipinagtanggol naman siya ni Derek laban sa mga bashers.  Paano kung talagang ma-fall si Derek sa kanya?

“Ay, hindi ko po pina­ngungunahan ang mga ba­gay-bagay. Basta sa nga­yon, focused po lamang ako sa trabaho ko. As of now, we’re friends ni Derek at goal naming mapaganda nang husto ang aming soap.  Sana po ay samahan ninyo kami sa world premiere namin sa Monday, July 1, after ng “Sahaya.”  Mara­ming salamat po.”

PELIKULA NINA CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA KASADO NA

FAN pala ni Carlo Aquino si Maine Mendoza noong teenager pa siya, kaya ang tuwa carlo and maineniya na ngayong may bago siyang movie, ay siya ang leading man niya.  Last year, January, 2018, noong ipalabas ang “Meet Me in St. Gallen,” na nagsilbing comeback movie ni Carlo nang bumalik siya sa showbiz, with Bella Padilla, produced ng Spring Films, isa si Maine sa mga naimbitang manood ng premiere night nito.

In return naman ay natuwa si Carlo nang malaman niyang naroon pala si Maine at nanood, at binigyan pa niya ng bouquet of flowers si Maine, bilang pasasalamat.

“Isa Pa With Feelings” ang movie na pagtatambalan nina Carlo at Maine under Blacksheep Productions, co-producer nila ang APT Entertainment at ididirek ni indie film director Prime Cruz. Nagkaroon na sila ng story conference last June 27, pero hindi nila sinabi kung kailan ba magsisimula ang shooting nila, kung sino ang mga makakasama nila at kung saan sila maglo-location.

Comments are closed.