SUKI, hindi lang walong mahistrado ang bumoto upang paboran ang petisyong nagpatalsik kay Lourdes Sereno sa Korte Suprema.
Sa katunayan ay siyam ang humatol sa mapait na kapalaran ni OCJ (ousted chief justice).
At pang “9th justice,” Suki, ang boses ng komunidad na naniniwala na wala siyang karapatang manungkulan dahil sa isyu na tinawag ng kasamahan n’ya na “integrity requirement.”
Kasama sa “9th justice,” na ito ang mismong mga ordinaryong kawani ng mataas na hukuman na nagsabit pa ng mga pulang laso bilang tanda ng kanilang pagtutol sa patuloy na panu-nungkulan ni Sereno.
Kasama ako, Suki, sa “9th justice” na nani-walang nararapat lang na hubaran ng poder ang “atapang na babae sa korte.”
oOo
Hindi ako abogado, Suki, pero klaro sa kamala-yan ko ang kontrobersiyang kinasadlakan ni OCJ.
Ang pagtuloy n’yang paggiit na mapangatuwi-ranan ang mga akusasyon sa bulwagan man ng Kamara, o sa loob mismo ng kanyang bakuran sa Korte Suprema.
Ang kanyang pagpupumilit, Suki, na hindi raw ang petisyong “quo warranto” ang wastong pamamaraan upang siya’y sibakin sa puwesto.
Kundi, ayon sa kanya, ay ang paghusga ng Senado sa pamamaraan ng impeachment.
Marami siyang napaniwala, Suki, sa argumento na iligal at labag sa Saligang Batas ang hatulan siya ng kanyang kasamahan.
Opkors, ‘yong mga naniwala sa kanya ay may kanya-kanyang pinaghugutan ng panindigan.
Siyempre pa ang karamihan sa kanila, Suki, ay ‘yong mga galit kay Boss Digong.
Lalo na ‘yong ayaw bumitiw sa kanilang masidhing pagtangkilik sa grupong “dilawan.”
At ang iba naman ay malamang mga kamag-anak at malapit na kaibigan.
Ako, Suki? Hindi ako sang-ayon sa paniniwa-lang impeachment lang ang tumpak na pamamaraan upang sibakin siya sa puwesto.
Kasi, may naiintidihan ako, kahit manipis lang, sa sinasabi ng batas na void ab initio, na ang ibig sabihin ay “walang bisa sa simula pa lamang.”
Iyan ‘yong tungkol sa paghirang noon kay Se-reno bilang chief justice. Kaya hindi siya sinibak, Suki. Pinawalang-bisa lang ang kanyang appointment… kasi wala itong bisa sa umpisa pa lang.
Comments are closed.