ANG BABAE SA HARAP NG MANIBELA

(Espesyal na Isyu para sa Buwan ng Kababaihan)

Ni CRIS GALIT

MARAMI na sa ating mga kababaihan ang “empowered” sa panahong ito—na dating pinapangarap pa lang na maging normal ang pagkilala sa pantay na kakayanan ng kababaihan at kalalakihan—subalit nariyan pa rin ang kakulangan ng lakas ng loob ng iilan, na siyang dapat pagtuunan ng pansin at ipaalala ang tunay na “LAKAS NG KABABAIHAN!”

Sa isang discussion na ginanap sa mismong araw ng “International Women’s Day” na mayroong temang “Breaking the Code: Equality for All Through Technology and Innovation” sa Samsung Hall ng SM Aura Premier kung saan dinaluhan ito nina Vice President Sara Z. Duterte bilang keynote speaker, Philippine Commission on Women Executive Director Atty. Kristine Yuzon-Chaves, UN Resident Coordinator Mr. Gustavo Gonzalez,  UN Women Philippines DaCountry Programme Manager Ms. Lenlen Mesina, SM Supermalls President Steven T. Tan at marami pang mga personalidad na kilala sa kanilang larangan at pamumuno—tinalakay ang pagpapakilala ng “digital gender gap” at kahalagahan ng digital education at technology sektor para sa kababaihan.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni SM Supermalls president Steven T. Tan na bagama’t ipinagdiriwang ng mundo ang empowerment at equality tuwing buwan ng Marso, aniya, iba ang paraan ng pagdiriwang sa SM dahil para sa kanila, hindi lamang ito tuwing buwan ng Marso isini-celebrate kundi araw-araw kada taon nila ito ipinagdiriwang.

“Every March, the world celebrates and advocates for empowerment and equality. Well, this is not the case at SM because, here, we don’t celebrate women in March, we celebrate women every single day of the year,” ang bahagi ng mensahe ni Tan kabilang na dito ang mga proyekto at kampanya sa pagkilala sa lahat ng kababaihan.

Kinilala naman ni VP Sara Duterte ang mga kababaihan sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa buhay ng ating mga kababayang Filipina lalo na sa mga higit na nangangailangan, patuloy na nakikipaglaban sa diskriminasyon, sa kanilang laban sa pantay na karapatan at pagkakataon o sa kanilang paghihirap mula sa sekswal na pang-aabuso at iba pang uri ng pananamantala sa kababaihan at sa kabataang babae.

“I am truly humbled and honored to be in the presence of Filipinas who are making an incredible impacts in the lives of our fellow Filipinas especially those who have less in life and those who are feeling lost in their battle against discrimination, in their fight for equal rights and opportunities or in their struggle and suffering from sexual and other forms of abuses committed against them, against women and young girls,” ayon kay VP Duterte sa kaniyang keynote speech.

“BLOOM WHERE YOU ARE PLANTED”
“What I like the most is the word “purpose.” So, everyone has a purpose. My purpose I found out while I was driving on EDSA, it was very simple, it just popped in to my head and said to me, you just have to help people. That’s all. Wherever you are. You know these words “bloom where you are planted”? That’s very important. If you are in the school, be there and help—bloom where you are planted!” bahagi ng closing remarks ni Grace F. Magno, VP for Corporate Marketing ng SM Supermalls.

Photo courtesy of https://cw33.com/news/happy-international-womens-day/

Ang kakayahan ng kababaihan ay katumbas ng kakayahan ng kalalakihan—equal! Maaaring magkaiba ang literal na kakayanan o ginagawa pero ang pagkilala sa karapatan at oportunidad ay hindi na dapat tinitingnan ang kasarian.

Simple lang ang equation nito:

“Kung ang lalaki ay nasa harap ng manibela, kaya rin ng babae sa harap ng manibela!”