ANG BILIS ng panahon at ang PILIPINO Mirror ay nagse-celebrate na ng ika-anim na taon ng pagbibigay sa atin ng mga mahahalagang balita na naghuhulma sa ating mga pananaw at desisyon sa mga hinaharap sa buhay. Ang tema ng PILIPINO Mirror ngayon ay “Matatag na Tumugon sa Hamon sa Ika-6 na Taon”.
Puwes, para sa akin ay matagumpay na tumugon ang PILIPINO Mirror sa mga hamon upang ibalita ang mga mahahalagang pangyayari sa ating bayan. Nagsimula ang pagtaguyod ng PILIPINO Mirror noong nahalal si Benigno Aquino III o mas kilala natin na si Noynoy at ang pagpalit ng adminsitrasyon ni Rodrigo ‘Digong’ Duterte. Maraming mahahalagang balita ang dumaan sa nakalipas na anim na taon, at ang PILIPINO Mirror ay isa sa mga nagungunang diyaryo upang ipahayag ang mga kaganapan na ito.
Nais kong bigyan ng kabuluhan ang pagse-celebrate ng ika-anim na taon ng PILIPINO Mirror. Ayon sa aking pagsasaliksik sa “Creative Numerology” ni Christine DeLorey, kung ano ang simbolo o kahulugan ng anim na taon. Ayon kay DeLorey, ang anim na taon ay panahon upang muling likhain ang sarili. Sa salitang Ingles ay ‘to re-invent’. Ganon din sa paglakbay upang hanapin ang daan ng pagiging responsable. Pagpapahalaga ng relasyon at pagbalanse sa pag-ibig at sa paghilom.
Sa pagpasok ng PILIPINO Mirror sa ika-anim na taon, ito ang panahon ng pagbibigay halaga sa tungkulin at prayoridad. Tanggapin ang responsibilidad sa trabaho at pamilya. Huwag ipagpalagay an alam mo na ito. Ibahagi ang mga resposibildad sa iba kapag alam mo naman na hindi ito para sa iyo. Ito ay upang makita mo ang mga ibang bagay na nangangailangan ng iyong atensyon at akuhin mo bilang iyong responsibiladad.
Ayon din kay DeLorey, ang Anim na Taon ay nagbibigay-diin sa kahulugan ng pag-ibig sa kapwa at sa pamilya. Dagdag pa rito ay kailangan na maasahan ka sa lahat ng bagay at kampante na kasama ka bilang isang mamamayan na katanggap-tanggap sa lipunan.
Ang Anim na Taon ay simbolo rin ng pagpapalawak ng kaalaman o edukasyon. Ito ay upang hanapin ang katotohanan at hindi puro tsismis lamang. Ito ang patuloy na ibinibigay ng PILIPINO Mirror sa mamamayan… katotohanan na balita.
Ang Anim na Taon ay nagbibigay ng kapangyarihan ng magnetismo. Makakaakit ka ng mga tao sa iyong mga magagandang gawain. Subalit kailangan na tumuon ka sa mga positibong bagay at hindi sa mga mapanganib na tatahakin. Ituon mo sa mga positibong bagay na magdadala ng grasya sa iyong buhay at hanapbuhay. Ang mga negatibong asal ay walang idudulot na mabuti. Palitan ang mga lumang kaugalian at unawain ang mga pagbabago sa kapaligiran.
Alam ba ninyo na ang simbolo ng anim na taon sa anibersaryo ng pag-iisang dibdib ay bakal o iron? Ang pagtuklas ng bakal ay hudyat sa pag-unlad ng sibilisasyon natin mula sa stone age. Ito ang kahulugan ng anim na taon na pagsasama.
Pumasok na sa ibang lebel ng samahan. Mas pinagtibay. Kaya sa ika-anim na taong anibersaryo ng PILIPINO Mirror, ako ay nananalig na lalakas at tatatag pa ang diyaryong ito. Mabuhay ang PILIPINO Mirror!
Comments are closed.